• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros, sinabing nagtatanong na si Alex Gonzaga tungkol sa pagiging mommy

Melai Cantiveros, sinabing nagtatanong na si Alex Gonzaga tungkol sa pagiging mommy

Ayon kay Melai Cantiveros, tungkol sa pagbubuntis at panganganak ang madalas na tanong sa kaniya ng newly engaged niyang kaibigan na si Alex Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/22/2020 11:42 AM
Melai Cantiveros, sinabing nagtatanong na si Alex Gonzaga tungkol sa pagiging mommy


Photo credit: @cathygonzaga and @mrandmrsfrancisco IG

“Hindi talaga sa amin sinabi ni Alex,” tuwang-tuwang sagot ni Melai Cantiveros nang tanungin siya ng PUSH tungkol sa kamakailan lang na engagment announcement ni Alex Gonzaga at Mikee Morada.

“Sobra akong na-touch sa kaniya kasi nung nag-greet namin siya, nado'n [pala] siya [Batangas], tumulong siya sa mga Kapamilya nating nasalanta sa Taal. Very selfless yung ginawa niya, kasi doon siya mismo nag birthday sa Batangas.

“Pero doon [din] namin nalaman na nung time na ‘yon, na December nag-propose si Mikee. December [pa] pala nag-propose si Mikee. Very happy kami [magkakaibigan] kasi nahanap na ni Alex ang kaniyang The One,” masayang sabi ni Melai matapos ang press conference niya bilang bagong brand ambassador ng isang fast-food chain.

Sa YouTube video ni Alex nitong January 17 inanunsyo ni Alex ang proposal na naganap pa pala noong December 27 sa bakasyon nila sa Hong Kong.

READ: Mikee Morada’s proposal to Alex Gonzaga in Hong Kong

Pagpapatuloy ni Melai, wala silang hint na may naganap nang proposal sa Hong Kong vacation nila Alex.

“Wala kaming hint pero parang may mga nararamdaman na kami kasi iba na yung mga post niya sa thread namin. Pero alam namin na ang saya saya niya,” ani Melai.

Bilang soon-to-be-wife na ang kaniyang isa sa mga best friends sa showbiz, marami na rin daw tanong si Alex kay Melai lalo na kapag tungkol sa pagbubuntis at panganganak.

“Ang tinatanong niya sa akin siyempre yung panganganak talaga, kung paano yung mag-delivery --yun talaga yung masakit talaga. Pero kasi mas mananaig yung excitement mo na makikita mo ang anak mo kaysa doon sa sakit,” kuwento ni Melai sa press.

 

 

Sa ngayon, nagpaplano na daw na magkita-kita at magkumustahan muli sina Melai at Alex, kasama ang kanilang ka-“squad” mula sa Pinoy Big Brother OTSO, na sina Kim Chiu, at Robi Domingo.