• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon unleashes his makulit side in ‘D’Ninang’

McCoy De Leon unleashes his makulit side in ‘D’Ninang’

McCoy De Leon admits doing comedy is a big challenge for him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/22/2020 11:23 AM
McCoy De Leon unleashes his makulit side in ‘D’Ninang’


Kakaibang McCoy De Leon ang mapapanood ng tao sa pelikualng D’Ninang ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas na showing na sa mga sinehan.

Makulit at napakataas ng confidence ni McCoy sa role niya bilang isang Criminology student na may gusto sa karakter ni Kisses Delavin.

Natatawang reaksyon ni McCoy sa PUSH, “Actually, yung character ko dito ay ibang-ibasa mga previous movies na ginawa ko. Dito kasi sobrang daldal ko, sobrang daming hirit, daming adlib kaya nahirapan ako sa dubbing. Ibang-iba siya kayanakakatuwa lang at sana magustuhan ng tao na hindi sila maiinis at makokornihan.”

Sa totoong buhay ay mahiyain si McCoy at hindi outgoing kaya malaking challenge sa kanya ang sumabak sa comedy.

“Actually, tahimik akong tao pero pag nakakasama ko naman ang mga kaibigan ko do’n lumalabas yung kulit at gulo ko, may ganun din naman ako. Actually yon din nga yung challenge saa kin kasi kilala ako na tahimik.

“Pero as an actor, kailangang i-change mo yung pagkatao mo, gawin mo yung nakakatawa sa eksena, ilabas mo dapat. Kaya ang ginawa ko, kahit offcam nakisalamuha ako sa tao, kung paano ako magsalita dapat walang lamya, kailangan medyo presko,” lahad pa niya.

Hindi naman naging awkward panoorin sa pelikula na kahit may edad nang konti si McCoy kay Kisses ay meron silang magandang chemistry dahiln aitawid nila ang ilang kilig moments sa pelikula.

“Hindi lang ako yung basta pa-cute lang dito, kumbaga, kahit papaano sumabay din ako kay Kisses na… kasi si Kisses ilang taon lang, parehas kami nasa PBB pero mas matanda ako sa kanya, pero nag-feeling 18 lang din ako dito sa movie na ‘to,” sambit pa ng binata.

Ibinahagi rin ng binata kung ano ang natutunan niya kay Ai-Ai habang ginagawa ang pelikula.

“May eksena kami na nakaka-star struck pa din po kasi napapanood ko lang siya noon sa Tanging Ina tapos ngayon kaharap ko na. Pag comedy po pala iba pala yung atake kasi first time ko atang mag-full comedy.

“Ang saya lang, dapat pala mabilis yung palitan ng linyahan –yon po ang natutunan ko sa kanya. Thankful po ako sa kanya kasi may tinuturo siya sa akin,” kuwento niya.

Working with Direk GB Sampedro naman daw ay napakadali dahil kakilala na niya ito noon pa man.

“First time ko pa kayDirek GB sa film, pero best friend siya ng daddy ko dati sa theater. Kaya nung last day po isinama ko si daddy sa syuting para magkita sila. Tungkol naman sa pagdidirek niya, siya yung director na parang bibiruin ka niya pero ang purpose pala niya ay maging maayos yung eksena ninyo, para hindi ka magkaroon ng wall,” huling pahayag niya sa PUSH.