• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, planong ikuwento ang love story nila ni Daniel Padilla sa vlog?

Kathryn Bernardo, planong ikuwento ang love story nila ni Daniel Padilla sa vlog?

Mas personal pa raw na makikilala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang vlog

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/22/2020 11:42 AM
Kathryn Bernardo, planong ikuwento ang love story nila ni Daniel Padilla sa vlog?


Thankful ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa naging mainit na suporta ng kaniyang fans para sa first vlog entry niya sa YouTube.

Isa si Kathryn sa mga showbiz personality ngayon na gumagawa na rin ng video blog para mas lalong mapalapit sa kanilang mga fans.

Ayon sa aktres hindi niya inakala ang suporta sa kaniyang mga video entry sa kaniyang baging social media platform.

“Oo nga e, kinikilig nga ako e, kasi siyempre sobrang baguhan ako sa mundo na ‘yan,” sabi pa ni Kathryn sa panayam.

Aniya, behind the camera moments nila ito ni Daniel at mga personal pa nilang moments together.

“Para sa amin rin ‘yun ni DJ kasi parang first time namin na naging ganun ka-open, open naman dati pero alam mo ‘yun medyo private kami as a couple,” tugon ng aktres. “Shi-nare namin sa kanila kung paano ang mga artista off cam so, natutuwa naman sila so marami pa, medyo personal.”

Hands on rin daw si Kathryn sa editing at iba pang bahagi ng kaniyang vlog.

“Very hands on kami from editing to anything, very light lang, parang pang ano lang namin, pampa good-mood lang.”

Sa ngayon, sumampa na sa 1 million ang followers ni Kathryn sa kaniyang youtube channel.