• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson, two years ang isinakripisyo para sa ‘A Soldier’s Heart’

Gerald Anderson, two years ang isinakripisyo para sa ‘A Soldier’s Heart’

Ang pagiging sundalo ang isa sa mga childhood dreams ni Gerald Anderson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/22/2020 11:31 AM
Gerald Anderson, two years ang isinakripisyo para sa ‘A Soldier’s Heart’


Photo credit: @andersongeraldjr on Instagram

Mainit na tinanggap ng mga manonood ang bagong Kapamilya teleserye na A Soldier’s Heart na nagsimula nitong Lunes, January 20

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A Soldier's Heart.. JANUARY 20 na 👊🏻

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

Kasama ang bida na si Gerald Anderson, muli niyang binalikan ang hirap na pinagdaanan bago mabuo ang magandang kuwento na makatotohanan.

“Two years in the making ito hindi pwede madaliin nakita nyo naman,” tugon ni Gerald sa naging panayam ng press.

Hindi rin daw nagdalawang isip ang aktor nang tanggapin ang role.

 

 

“Never. May respeto kami sa sundalo gusto namin kung ano ang napanood nyo mag iiba ang tingin nyo sa sundalo at sa pamilya ng sundalo,” paliwanag ng aktor.

Tulad ng mga nababanggit, isa ang pagiging sundalo sa noon pa man ang ambisyon ni Gerald.

“Lagi ko naman sinasabi sa inyo yan eh kung hindi ako naging artista isa ako basketball player or sundalo,” pahayag pa niya sa press.

Napapanood na ang A Soldier’s Heart  gabi-gabi sa ABS-CBN.