• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Pana-panahon lang’: Bela Padilla nagbigay ng reaksyon matapos mag-number one ang kaniyang pelikula sa MMFF

‘Pana-panahon lang’: Bela Padilla nagbigay ng reaksyon matapos mag-number one ang kaniyang pelikula sa MMFF

Ayon kay Bela Padilla, isa sa mga nag-congratulate sa kaniya si Vice Ganda, na dating may hawak ng record bilang number one sa MMFF.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/21/2020 12:06 PM
‘Pana-panahon lang’: Bela Padilla nagbigay ng reaksyon matapos mag-number one ang kaniyang pelikula sa MMFF


Photo credit: @bela on Instagram

Nagbigay ng reaksyon ang Miracle In Cell No. 7 actress na si Bela Padilla, matapos maagaw ang number one spot mula sa pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival.

"Pana-panahon lang 'yun," pahayag ni Bela na nilinaw na walang mainit na kumpetisyon sa pagitan nila ni Vice Ganda.

"I was also very happy with Vice kasi ilang years siyang undefeated. But again, it's a film festival to entertain the masses on Christmas day, so I think it shouldn't be taken too seriously.

"Also, before Vice, mayroon din siyang predecessor na taun-taon ding number one. So feeling ko pana-panahon lang din. And panalo talaga dito ay Viva Films kasi parehas pong Viva Films," paliwanag ni Bela sa naganap na grand media conference ng kaniyang bagong pelikula na On Vodka, Beers, and Regrets.

READ: Why is ‘Miracle In Cell No. 7’ such a big hit at the 2019 MMFF?

Proud si Bela sa kaniyang unang pelikula ngayong taon na ayon sa kaniya ay naging maingat sa pagrerepresenta ng mga taong alcoholic o may parehong kondisyon.

"Actually si Direk Irene nag-interview siya ng real-life recovered alcoholic bago kami magstart mag-shoot. And lahat ng notes niya binigay niya sakin kasi ayaw nating gumanap ng mali and ayaw natin maglabas ng false information. Very thoughtful yung pagsulat ni Direk dito," pahayag ni Bela.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

💋

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

 

Kasama ni Bela sa naturang pelikula si JC Santos. Mapapanood ang On Vodka, Beers, and Regrets sa February 25.