• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Ejay Falcon, 10 taon nang pinapasaya ang mga kababayan sa probinsya

LOOK: Ejay Falcon, 10 taon nang pinapasaya ang mga kababayan sa probinsya

Nagsasagawa ng charity event si Ejay kapag umuuwi siya kanyang hometown sa Oriental Mindoro.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/20/2020 11:11 AM
LOOK: Ejay Falcon, 10 taon nang pinapasaya ang mga kababayan sa probinsya


Tradisyon na para sa Kapamilya actor at Sandugo lead star na si Ejay Falcon ang dalawin at pasayahin ang kanyang mga kababayan sa Bakawan, Pola, Oriental Mindoro tuwing sumasapit ang Bagong Taon.

“Ten years ko na itong ginagawa. Umuuwi ako ng Pola tuwing Dec. 28 at nag-i-stay ako doon until Jan. 3. Do’n ako nagsi-celebrate ng New Year palagi,” kuwento sa PUSH ni Ejay.

Nagsasagawa ng charity event si Ejay kapag umuuwi siya kanyang hometown. Nitong December of 2019 ay kasama niyang umuwi sa Mindoro ang ilang mga kaibigan at ang girlfriend na si Jana Roxas.

“Nakakatuwang makita ang mga dating kaibigan at kaklase. Para akong nagpa-flashback sa past,” sambit niya. “Ang sarap lang isipin na mula sa napakasimpleng lugar namin ay nakarating ako ng Maynila, naging PBB housemate hanggang naging artista.”

Mas naging espesyal para kay Ejay ang huling charity event para sa mga kababayan dahil isa ang kanilang lugar sa dinaanan ng bagyong Ursula nung Kapaskuhan.

“Isa sa pinakamasarap na pakiramdam yung ginagawa kong ganito every December 26 to 31. Isa yung lugar namin sa dinaanan ng bagyo pero laking pasalamat g mga kababayan ko na hindi naman ganun kagrabe yung naging pinsala kumpara do’n sa ibang lugar sa Mindoro. Maliit na bagay lang yung ginawa ko pero kahit papaano nakakagaan sa pakiramdam na meron kang napapasayang mga mga senior citizens at mga bata,” lahad pa ng aktor sa PUSH.

Isa rin sa inaabangan taun-taon kay Ejay ng kanyang mga kababayang ay ang basketball event.

“Taun-taon may pa-liga talaga ako ng basketball. Naglalaro ako kasama ng ilang mga kaibigang celebrities na naiimbitahan ko sa probinsya namin tapos ang mga kalaban namin ay yung mismong mga taga-roon.

“It’s always nice to look back at balikan yung mga pinagmulan natin. Kaya ang wish ko ngayong 2020 sana ay bigyan pa rin ako ng mga blessings ni Lord para patuloy kong magawa yung pagpapaligaya sa aking mga kababayan,” sambit pa ni Ejay.