• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni JC Santos na dumating sa punto na na-attract siya kay Bela Padilla noon.

‘Feeling ko salisi kami’: Bela Padilla, matapos umamin si JC Santos na ‘na-fall’ ito sa kaniya noon

Inamin ni JC Santos na dumating sa punto na na-attract siya kay Bela Padilla noon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/20/2020 10:02 AM
‘Feeling ko salisi kami’: Bela Padilla, matapos umamin si JC Santos na ‘na-fall’ ito sa kaniya noon
Photo credit: @bela on Instagram

Aminado ang aktor na si JC Santos na minsan na siyang ‘na-attract’ sa kaniyang madalas na ka-love team na si Bela Padilla.

Sa naganap na grand media conference para sa kanilang bagong pinagbibidahang pelikula na On Vodka, Beers, and Regrets, nagulat si Bela sa pag-amin ni JC na bigla namang nahiya sa harap ng press.

“Sinarili po niya, kasi ngayon ko lang nalaman. Nakaka-shock po pala tong press con na ‘to,” pahayag ni Bela.


Nang tanungin kung bakit hindi nagawa ni JC na manligaw o aminin kay Bela ang nararamdaman niya, “Ang pinaka importante po sa akin yung working relationship namin ni Bela. At sa lahat [ng pelikulang nagawa namin], ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa't-isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami.”

Sa hiwalay na interview sa press, nag-iwan ng kaniyang reaksyon si Bela sa naganap na pag-amin.

“Feeling ko salisi kami ni JC. Yun na lang... Baka mali kami ng tyempo sa isa't-isa. Ang mas madali na magka-trabaho lang kami,” sabi ni Bela na inalala ring celebrity crush pala siya ni JC noong nagsisimula pa lang ito sa industriya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

beers February 5, 2020 #OnVodkaBeersAndRegrets

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

 

Samantala, sa parehong press conference inilarawan nina JC at Bela ang kaibahan ng kanilang bagong pelikula kaysa sa iba pa nilang pinagbidahang may kaparehong tema.

“Nung sa dalawang pelikulang [ginawa] namin, lagi silang nakakaramdam ng sakit, ng hapdi. So I think eto na yung pinakamasakit,” paliwanag ni JC.

“Tsaka feeling ko yung tandem namin [ni JC] yung sakit niya, parang nagpapa-tattoo ka, babalik ka nang babalik. So alam ko gano’n yung pain na sine-serve namin palagi,” dagdag naman ni Bela.

Tinutukoy ng dalawa ang pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella, at The Day After Valentines.

Mapapanood ngayong February 5 ang On Vodka, Beers, and Regrets.