Out of the box project, nais subukan ni Kathryn Bernardo

Out of the box project, nais subukan ni Kathryn Bernardo

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/02/2020 12:37 PM
Out of the box project, nais subukan ni Kathryn Bernardo

Magiging hectic ang 2020 ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kasabay nang kaniyang mga nakalinyang proyekto.

Sa isa sa mga naging panayam kay Kathryn, inilahad ng aktres ang kaniyang excitement sa nalalapit na balik-telebisyon nila ni Daniel Padilla.

“Sabi nga namin, kaunting hintay pa kasi ‘yung hinahanda namin, as in pinapaganda talaga ng Dreamscape rin, para maganda natin simulan ‘yung 2020. So very excited,” aniya sa huling panayam ng PUSH.


Hindi din nawawala sa options ni Kathryn ang gumawa ng mga out of the box projects na napapanood sa iWant.

”Oo alam mo open, open (ako) kaya lang may gagawin next year parang kapag may magandang materyal parang, ‘okay!’ At hindi yung tipikal na story ang mapapanood mo so kapag may magandang materyal game naman,” tugon pa ng aktres.

Dahil sa kaniyang highest grossing Filipino movie of all time kasama si Alden Richards, marami ngayon ang naghihintay sa kaniyang susunod na mga proyekto.