Angel Locsin, focus muna sa wedding preps ngayong 2020

Inaasahan na sa first quarter ng 2020 gaganapin ang inaabangan na kasal ni Angel Locsin kay Neil Arce.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/2/2020 12:50 PM
Angel Locsin, focus muna sa wedding preps ngayong 2020


Photo credit: @therealangellocsin IG

Kasalan ngayong 2020 ang isa sa mga inaabangan ngayon mula sa Kapamilya actress na si Angel Locsin at ang kaniyang fiancé na si Neil Arce.

Matatandaan isa sa pinakamalaking news sa showbiz noong 2019 ang kanilang naging anunsyo sa kanilang planong pagpapakasal.

READ: Angel Locsin and Neil Arce now engaged

Sa naging panayam ng PUSH kay Angel, sinabi ng aktres na ito ang paghahanda sa kasalan ngayong taon ang kanilang tutukan ni Neil.

“Medyo nag-stop kami sa preparation,” tugon ni Angel sa naging panayam. “Kasi medyo nag advance kami ng konti, but next year back to wedding preparations na ulit.”

Dito, idinaan nalang rin ni Angel sa biro ang mga nagpapakalat ng mga mali at negatibong balita sa kanila ng fiancé na si Neil.

“Siguro, may mga taong nasasaktan kapag may nakikitang masaya ang tao pero 'wag po kayong mag-alala kasi dati rin akong nasa ganyang posisyon, darating rin ang mga taong para sa inyo magugulat na lang po kayo,” masaya niyang tugon.

At ngayong pagpasok ng 2020, magiging aktibo pa rin si Angel sa kaniyang trabaho bilang artista.

“Siguro kailangan ko na rin magdahan-dahan kasi kailangan ko na rin mag prepare para sa kasal, ‘yun nalang rin ang pinakiusap sa akin ng fiancé ko na ‘wag ko siyang hayaan na mag prepare mag isa, so ayun lang naman,” pahayag pa ng aktres.