Isa ang aktor na si Piolo Pascual sa mga naging katuwang ni Batangas City Congresswoman Vilma Santos-Recto sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.
Sa Instagram, pinasalamatan ni Ate V si Piolo para sa personal na naging pagtulong nito sa kanya sa pag-abot ng mga ngiti sa mga Batangueño.
“Thank you for the help, support and inspiration Papa P. / Cong Len and company maligaya ang mga Batangueño. Love you Papa P.—-Mum” pahayag ni congresswoman Vilma sa Instagram.
Bukod kay Piolo, ilang Kapamilya stars na rin ang aktibong tumutulong sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng Bulkang Taal.