• Home
  • Fresh Scoops
  • KILALANIN: Batang Pinay ipinamalas ang talento sa ‘Ireland’s Got Talent’

KILALANIN: Batang Pinay ipinamalas ang talento sa ‘Ireland’s Got Talent’

Isa si Shaniah Rollo sa mga nagpabilib sa mga taga-Ireland.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/19/2020 10:41 AM
KILALANIN: Batang Pinay ipinamalas ang talento sa ‘Ireland’s Got Talent’


Photo credit: @shaniahrollo IG

Gumagawa ngayon ng pangalan sa Ireland ang 15-year-old Pinay singer na si Shaniah Rollo.

Markado sa kanyang “True Colors” na kinanta niya sa Ireland’s Got Talent na nagbukas ng maraming oportunidad para sa kaniya.

 

 

 

 

 

Ayon sa Pinay singer, malaki ang naging tulong sa kaniya ng niya sa mga singing competition.

“Meron po kasi ako stage fright noon. Kaya po po wala talaga ako confidence para sumali sa mga competitions and that’s the very first competition na sinalihan ko po kaya I was very surprised dahil po sa TV po ‘yun,” kuwento niya sa panayam.

Mula sa Sta. Maria, Laguna si Shaniah at ang kanyang pamilya ay proud sa kaniyang naging pag sisimula sa ibang bansa.

“I’m so proud na nakarating ako sa ganito dahil sa suporta po ng mga Pilipino. Nagkaroon po ako ng marami supporters I’m very happy po,” aniya.

Ngayon, pangarap ni Shaniah na maka duet someday ang kaniyang mga idol na sina Moira Dela Torre at Daniel Padilla.