• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: KathNiel, nag-abot ng tulong para sa nasalanta ng bulkang Taal

TINGNAN: KathNiel, nag-abot ng tulong para sa nasalanta ng bulkang Taal

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, tumulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/18/2020 6:33 PM
TINGNAN: KathNiel, nag-abot ng tulong para sa nasalanta ng bulkang Taal


Nagpaabot ng tulong ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa mga nasalanta sa pagputok ng bulkang Taal.

Personal namang binisita nina Kathryn at Daniel ang lugar kung saan iniimbak ang mga relief goods na ibibigay sa mga nangangailangan.

Ipinakita naman ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada ang kanilang larawan nang magpunta sila sa Batangas.

“Hawak kamay tayo kasama ang Kathniel at buong team na kasama sa pag-kawang gawa,” ani Karla.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hawak kamay tayo kasama ang kathniel at buong Team na kasama sa pag-Kawang gawa.🙏🏻🙏🏻

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Nang pumutok din ang bulkang Taal, kaagad din nag-abot ng tulong ang
Magandang Buhay host kasama si Jason Gainza.