• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Wala tayo mapapala sa bash-bash.’ Billy Crawford at Coleen Garcia may pakiusap sa mga netizens

‘Wala tayo mapapala sa bash-bash.’ Billy Crawford at Coleen Garcia may pakiusap sa mga netizens

Present si Billy Crawford sa special screening ng pelikula ni Coleen Garcia.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/17/2020 11:47 AM
‘Wala tayo mapapala sa bash-bash.’ Billy Crawford at Coleen Garcia may pakiusap sa mga netizens


Photo credit: @coleen IG

All out support si Billy Crawford para sa kaniyang misis na si Coleen Garcia na bida sa pelikulang Mia kasama si Edgar Allan Guzman.

Kuwento ni Billy, limang beses na daw niyang napanood ang pelikula ni Coleen at bilib na bilib sa performance ng kaniyang misis.

“Of course, I’m the husband; I will say she’s the best ‘di ba? But I’m so proud of her.Sshe’s definitely guided by God in this film. She’s just a blessing to be on screen, nakaka-proud just watching her there. Nakaka fan mode,” kuwento ni Billy sa press.

At ngayong abala ang lahat sa pagtulong sa mga napinsala ng Bulkang Taal, personal rin ang naging reaksyon ni Coleen sa mga alagang hayop na naiwan sa mga tahanan.

“As an animal lover, masakit talaga, but I’m glad that a lot of people were able to evacuate but it’s sad na yung animals naiwan,” sabi naman ni Coleen.

Sa mga negatibong komento naman, pakiusap ni Billy na hindi ito ang tamang panahon para magaway-away.

“Kaysa mag reklamo, siguro tayo tumulong na lang tayo wala tayo mapapala sa bash bash na ganyan. It’s crucial when people’s lives are concerned medyo delicate. Let’s pray and let’s act kaysa magsalita,” pahayag ni Billy.

Mapapanood na ang Mia sa direksyon ni Veronica Velasco.