• Home
  • Fresh Scoops
  • Halos araw-araw nang nagte-training ang ‘Darna’ star na si Jane De Leon para sa inaabangang superheroine movie.

EXCLUSIVE: Jane De Leon, nasilip na ang disenyo ng Darna costume: ‘Excited na ‘ko’

Halos araw-araw nang nagte-training ang ‘Darna’ star na si Jane De Leon para sa inaabangang superheroine movie.

BY
Edo Daria

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

01/17/2020 11:20 AM
EXCLUSIVE: Jane De Leon, nasilip na ang disenyo ng Darna costume: ‘Excited na ‘ko’

Excited na ang bagong Darna na si Jane De Leon na masukat ang kaniyang costume bilang Pinay superheroine. Sa exclusive interview ng PUSH sa aktres, sinabi niya na ipinasilip na sa kaniya ang unang disenyo ng costume.

“Nung pinakita po sa akin yung costume [design], pina-check lang sa akin kung gusto ko, or any suggestions ganyan, pero siyempre sa Mars Ravelo [family] pa rin nakasalalay yung huling sagot natin diyan,” kuwento ni Jane sa PUSH.

READ: Jane de Leon ibinahagi ang mga sakripisyo para sa role na ‘Darna’


Ayon pa sa aktres, halos araw-araw na siyang nagte-training para sa inaabangang pagganap niya bilang Darna.

“Almost every day, almost every day na po ako nagte-training. Fitness training, stunt training, halo-halo po. Kaya actually eto pong boxing sobrang laki rin ng tulong sa akin,” sagot ni Jane na tinutukoy ang bago niyang pagbibidahang episode sa Maalaala Mo Kaya, kung saan ay gaganap siya bilang si Nesthy Petecio, isang world champion female boxer.

Tungkol sa kaniyang kauna-unahang pagbida sa MMK, ibinahagi ni Jane na marami siyang natutunan sa istory ng buhay ni Nesthy.

“Marami e, kung makikita niyo lang yung hirap ng buhay niya kahit ako nagulat ako e. Hindi ko inexpect e—yung mga sakripisyong binigay niya para dito, yung pagmamahal niya sa family niya.

“Ako nakaka-relate ako kasi galing din naman ako sa hirap. Tapos kami parang dati lang nangungutang tayo, tapos wala tayong makain. Ano yung kinakain nung mga panahong walang makain. Ganun yung mga tanungan namin. Ano yung pangarap talaga namin for our selves and for our family,” kuwento niya.

 

 

Mapapanood ngayong Sabado ang MMK Pangarap at Kamao episode. Makakasama ni Jane sa cast sina Kiara Takahashi, Mara Lopez, Bembol Roco, at iba pa