Daniel Padilla, nakipagsabayan sa acting kay Charo Santos

Bida si Daniel Padilla sa pelikulang ‘Whether the Weather is Fine’ kasama ang veteran actress na si Charo Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/17/2020 12:46 PM
Daniel Padilla, nakipagsabayan sa acting kay Charo Santos


Photo credit: @charosantos IG

“Ang sarap katrabaho ni Ma’am Charo.”

Ganito kung ilarawan ng aktor na si Daniel Padilla ang kaniyang naging working experience sa award-winning actress na si Charo Santos sa kanilang pelikula na Whether the Weather is Fine.

 

 

Ito ang unang pelikula ni Daniel kasama ang veteran actress.

“Napakahusay na aktor,” patuloy ni Daniel.

“Kapag may katrabaho kang magaling na aktor, ang sarap magbato ng eksena. Nagtutulungan kayo. I am very thankful, blessed, and very humble na nakatrabaho ko si Ma’am Charo.”

Kuwento ni Daniel, inspirasyon ng Whether the Weather is Fine ang naging pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas noong 2013.

Whether the Weather is Fine is with Ma’am Charo. It’s about Yolanda. Pero wala pa talaga tayong date kung kalian siya ipapalabas. Sana abangan natin lahat yung mga pelikulang ginagawa naming lahat kasi it’s really different.”

Aniya pa, bagong grupo at bagong experience ang kaniyang natutunan mula sa mga bumubuo ng pelikula.

“It’s something new para sa akin. New production din kasi it’s not really from ABS-CBN or Star Cinema. Iba rin yung karga, iba yung