• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-iwan ng kaniyang opinyon si Zaijian Jaranilla tungkol sa pagtanggap ng industriya ng showbiz sa mga artistang may mental health condition.

Zaijian Jaranilla, ayaw magkaroon ng showbiz girlfriend

Nag-iwan ng kaniyang opinyon si Zaijian Jaranilla tungkol sa pagtanggap ng industriya ng showbiz sa mga artistang may mental health condition.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/16/2020 12:54 PM
Zaijian Jaranilla, ayaw magkaroon ng showbiz girlfriend
Photo credit: @zaijianjaranilla1 IG

Ipinaliwanag ng Kapamilya young actor na si Zaijian Jaranilla kung bakit mas pinili niyang makipag-relasyon sa isang non-showbiz girl.

Sa naganap ng blogger's conference noong Biyernes, January 10, inamin ni Zaijian na kasalukuyan siyang may ka-relasyon na non-showbiz.

"Siguro po kasi dahil sa mga nakikita ko sa social media na sa showbiz ang isyu-isyu. Gusto ko lang po ng private na relationship lang," maikling paliwanag ni Zaijian sa press.


Bida sa bagong iWant original series na Story of My Life ang dating child star, kung saan ay gaganap siya bilang teenager na may depression.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Boy next window.. đŸ˜… đŸ“¸: @rensdingli @officialbumph @belobeauty

A post shared by Zai God Jar (@zaigj) on

 

Sa parehong conference, nag-iwan ng opinyon si Zaijian, kasama ang dalawa pang cast members na sina Iyah Mina at Tart Carlos, tungkol sa isyu ng mental health at 'harsh culture' sa industriya ng showbiz.

Nagkasundo ang tatlo na hindi 'safe place' ang naturang industriya sa mga taong may kundisyon sa mental health.

"Siguro opinyon ko po, hindi talaga siya safe. Kasi po para sa showbiz, yung buhay mo doon, bukas na bukas e. Parang konting kibot mo lang, mai-issue ka na. Siyempre tao rin naman tayo, minsan nagkakamali din tayo, minsan nauubusan din tayo ng pasensya. Kaya po, siguro hindi siya safe, para sa akin po.

"Sa tagal tagal ko naman dito sa showbiz, parang hindi naman [ako] nabibigyan ng mga headlines o isyu," pahayag ni Zaijian na may isang dekada nang nananatili sa industriya.

Mapapanood sa iWant ang digital series na Story Of My Life nang libre.