• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Pasilip sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

TINGNAN: Pasilip sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Ipinasilip na ang bagong teleserye na pagbibidahan ng onscreen partners at real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/16/2020 8:34 AM
TINGNAN: Pasilip sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla


Ipinasilip na ang bagong teleserye na pagbibidahan ng onscreen partners at real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa “Sama-Sama Tayo” trailer ng ABS-CBN nitong Lunes, kung saan inihayag ng network ang kanilang entertainment lineup para sa 2020, tampok ang dalawa bilang bida ng teleserye na “Tanging Mahal” na  ipapalabas ngayong taon.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, sa Mexico ishu-shoot ang ilang parte ng nasabing palabas na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment, na siyang nasa likod ng mga programang FPJ’s Ang ProbinsyanoatThe General’s Daughter".

Matatandaang huling napanood ang dalawa sa telebisyon sa 2018 series naLa Luna Sangre”.

Noong 2019, bumida ang aktres sa blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye" kasama si Alden Richards. Samantala, nakatakda namang ipalabas ang bagong pelikula ni Daniel na “Kun Maupay Man It Panahon”, kasama ang beteranang aktres na si Charo Santos, ngayong taon.