• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: McCoy De Leon, goal ang magka-girlfriend ngayong 2020

EXCLUSIVE: McCoy De Leon, goal ang magka-girlfriend ngayong 2020

McCoy De Leon, handang handa na magka love life ngayong taon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/16/2020 11:28 AM
EXCLUSIVE: McCoy De Leon, goal ang magka-girlfriend ngayong 2020


Inamin sa PUSH ni McCoy de Leon, isa sa mga bida ng pelikulang D’Ninang, na isa sa goal niya ngayong 2020 ay magkaroon ng love life. Nami-miss niya na raw kasi ang ganung feeling kaya sana raw ma-experience niya ulit ito this year.

“Oo sige, aaminin ko na rin. Kasi parang ang sarap din. Nakaka-miss,” rebelasyon ni McCoy sa tsikahan namin.

“Pagka meron naman na, hangga’t maaari poprotektahan ko, aalagaan ko kung anuman yon. Hanggang do’n lang muna,” matipid at natatawa niyang pahayag.

Pakiramdam ba niya hindi niya naalagaan ang relasyon nila noon ni Elisse Joson?

Sagot ng aktor, “Hindi ko naman masasabi na hindi ko inalagaan. Siguro, timing na rin na pagka natuloy nang dire-diretso, eh, baka hindi maganda yung maging resulta. Mabuting tao naman siya at nirerespeto ko siya bilang babae.

“Sa akin ang importante napanatili namin yung pagkakaibigan namin kung sakaling magkita kami. Tapos nakita ko naman sa interview na parang maganda rin po naman yung sinabi niya. Kaya yon yung nakakatuwa sa industriyang ito, na sa kabila ng lahat nag-stay yung friendship hindi lang on cam.”

Gusto ba ulit niya ang showbiz girlfriend o yung non-showbiz naman?

“Sa ngayon kasi, hindi ko masabi. Kasi kung magmamahal ka naman hindi naman hadlang kung anuman (showbiz or non-showbiz). Hangga’t maaari, mas maganda yung challenging,” sabay tawa niyanang malakas.

Dagdag pa ng D’Ninang star, “Ayokong mag-choose kung showbiz or non-showbiz, ayokong mamili. Hindi naman porke showbiz wala nang karapatang magkaroon ng magandang relasyon. Kapag showbiz mas tough ka nga dapat, mas malakas ka pagka ganun.”

Meron na ba siyang idine-date ngayon?

“Sa totoo lang po, wala pa,” sagot niya sa PUSH. “Hangga’t maaari, kung may mapili man ako, sisiguraduhin ko munang matibay kami at saka ko ipapakilala sa ibang tao. Hindi yung sasadyain kong, ‘Ito girlfriend ko,’ pangit naman yon. Hangga’t maaari kami muna ang maging strong para pag nilabas namin matibay na kami,” dugtong pa niya.

May naging regret ba siya sa past relationship?

“Opo. Aaminin ko po. Na-overwhelm po kasi ako, eh. Kasipag masyado po akong masaya may tendency po ako na kapag sobrang naging masaya sobrang nakikita sa mukha ko. Hindi ko kayang itago.

“Pero aaminin ko, positive na lesson naman yon. Ang importante yung ngayon na walang nagkasakitan. Pero ang saya naman, wala namang problema po,” huling pahayag ni McCoy sa PUSH.