• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion, natuwang malaman na siya ang first choice ni direk Yam Laranas para sa ‘Nightshift’

Yam Concepcion, natuwang malaman na siya ang first choice ni direk Yam Laranas para sa ‘Nightshift’

Mabilis lang nag-adjust si Yam Concepcion sa kanyang first horror movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/15/2020 11:39 AM
Yam Concepcion, natuwang malaman na siya ang first choice ni direk Yam Laranas para sa ‘Nightshift’


Photo credit: @yamlaranas IG

Bida si Yam Concepcion sa horror film ni Direk Yam Laranas na Nightshift na prinodyus ng Viva Films and Aliud Entertainment at palabas sa January 22, 2020.

Ayon sa director ng pelikula, only choice niya si Yam para gumanap na assistant ni Michael de Mesa na isang chief pathologist na nagtatrabaho sa morgue ng isang hospital.

“Ngayon ko lang naman nalaman na ako yung first and only choice, so wow, thank you so much because I’ve always been a fan of Direk Yam’s work. Of course, he is known for his beautiful cinematography, yung story telling niya, ang galing talaga,” reaksyon ni Yam na very flattered sa pagpili sa kanya ng Nightshift director.

Patuloy pa ng aktres, “May mga friends nga ako na super fan ng movie niyang Sigaw and actually I was still taping Halik at that time when Direk Yam messaged me asking me if I was open to do a film with him.

“And then sabi ko sa kanya, ‘Anong film Direk? Tapos ito yung selling point ni Direk Yam, sabi niya, ‘It’s a contained cerebral horror happening in one night and in one place – a morgue.’ Sabi ko, puwede.”

Kahit galing sa drama series na Halik, aminado naman si Yamna hindi na niya kinailangan pang mag-adjust nang todo for her role in the movie.

Aniya, “Sobrang ibang-iba nga niya, eh. When I found out na gagawa ako ng horror film kay Direk Yam, sabi ko sa kanya, ‘Direk, paano kaya, I’ve never done a horror film before, so paano ito’

“Sabi niya sa akin don’t treat it as a horror film. Treat it as any other movie or project na nagawa ko na before. So yon, I treated it as that – a new project, a new character.”

While doing Nightshift, may mga fears o takot bang nabuo sa isip niya na do’n lang din niya na-discover?

“When I was filming Nightshift with Direk Yam, nung time na yon may nangyaring napakasakit sa buhay ko. My uncle passed away, hindi ko na lang sasabihin kung ano yung cause of death, pero masakit sa puso ko nung time na yon.

“And during that time, do’n ko na-realize na yung fear ko is not really death per se but not being able to communicate your love to people that you care about tapos bigla na lang siyang nawala – yon yung fear ko.

“And of course, we all know that of course, the fear of death is a universal concept, lahat tayo (dadating don). Feeling ko, back to Nightshift, I feel like it delves into the gray area – not just about death, it’s to the in between.”

Ano ba ang pinaka-favorite scenes niya sa Nightshift?

“Actually, I haven’t seen the film yet. I’ve only seen the trailer and based on the trailer yung favorite ko do’n is yung ano, alam mo yung tumaas yung balahibo ko sa nape, yung mga ganung subtle cues nga lang. Nasobrang minsang tahimik lang na hindi kailangang gugulatin ka talaga kaagad. May ano do’n, eh, there’s this creepiness in that silence, eh, alam mo yon,” sagot pa niya.