• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis, di lang tungkol sa ‘physical relationship’ ang pag-ibig

Kiray Celis, di lang tungkol sa ‘physical relationship’ ang pag-ibig

Kiray Celis, thankful din sa mga natutunan niya dahil sa kanyang ex-boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/15/2020 11:24 AM
Kiray Celis, di lang tungkol sa ‘physical relationship’ ang pag-ibig


“Guwapo talaga ang boyfriend ko ngayon! Very proud ako… super proud.” Ito ang pagmamalaki ni Kiray Celis sa bago niyang karelasyon pagkatapos mag-end ng three-year relationship niya sa non-showbiz boyfriend.

“Well loved siya sa social media. Nung pinost ko nga siya ang daming nainggit dahil sobrang haba ng hair ko. Hahaha! Very lucky talaga ako kasi sobrang bait talaga niya,” dagdag pa niya.”

Nakausap ng PUSH si Kiray sa presscon ng D’Ninang na pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas which will be shown on January 22. The film is produced by Regal Entertainment from the direction of GB Sampedro.

Naninindigan si Kiray na kahit tatlong taon tumagal ang relasyon niya sa ex ay nananatiling intact ang kanyang virginity.

Aniya, “Hindi ako kinulit. Hindi ako kinulit no’n. Maayos naman siya. Hindi rin siya aggressive sa akin. Normal naman sa lalaki ang ganyan, ang magyaya ng ganun pero kailangan mo lang i-explain sa kanila kung ano yung priorities mo.”

Pero sabay kambyo ni Kiray na posibleng isa rin sa dahilan ng kanilang breakup ay dahil hindi niya naibigay ang gusto ni ex.

“Siguro factor, kasi lalaki siya, di ba? May hinahanap sa isang babae,” sey pa niya.

With her new boyfie, kampante ang aktres na hindi siya pupuwersahin nito to do intimate actions.

“Ang pag-ibig hindi lang naman siya tungkol sa kalibugan or sa sex. Kapag mahal ka naman ng tao na yon hihintayin niya kung kailan mo kayang ibigay yon.

“Siguro kung nirerespeto ka talaga nung tao na yon hindi ka naman siguro kukulitin tungkol sa sex. At kung mahal ka talaga niya hindi niya yon gagawin sa ibang tao,” lahad pa niya.

Ibinahagi rin ni Kiray kung ano ang natutunan niya sa nagdaang relasyon.

“Kahit pala gaano mo katagal na kakilala yung isang tao meron pa rin palang kayang gawin sa ‘yo na hindi mo masasabi. So, kailangan mo lang palang lagi na i-ready ang sarili mo kung ano yung mangyayari.

“Siguro isa rin sa natutunan ko… nakalimutan kong mahalan yung sarili ko noon, eh, so natutunan ko yon, na dapat mahalin ko rin ang sarili ko. Pinaglaban ko siya sa parents ko, eh, pero yon…” pahayag pa niya.

Thankful din daw siya sa ex-boyfriend at hindi naman siya galit dito.

“Hindi ako galit sa ex ko. Dapat ang mga past relationship or mga past na tao sa buhay mo dapat nagiging thankful ka sa mga yon kasi kung ano ako ngayon, kung gaano ako ka-strong ngayon dahil sa kanya yon,” paliwanag pa ni Kiray.

Showing na sa January 22 ang D’Ninang. Kasama rin sa cast ng pelikula sina McCoy de Leon, Kisses Delavin, Joey Marquez at Kelvin Miranda.