• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual, bakit nga ba laging shirtless sa social media posts?

Piolo Pascual, bakit nga ba laging shirtless sa social media posts?

Pabirong binigyang paliwanag ng aktor na si Piolo Pascual ang tila napapadalas niyang pagpo-post ng shirtless sa kaniyang social media account.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/14/2020 3:22 PM
Piolo Pascual, bakit nga ba laging shirtless sa social media posts?


Photo credit: Piolo Pascual Facebook

Pabirong binigyang paliwanag ng aktor na si Piolo Pascual ang tila napapadalas niyang pagpo-post ng shirtless sa kaniyang social media account.

"Hindi ako 'yun eh (Laughs) I have my social media person that handles my social media accounts. I do my IG stories. I'm always topless. I'm sorry about that," tugon ni Piolo sa panayam.

"I'm always on the beach, most of the time and I would just share photos with them just to update and to tell them where I am, what I'm doing.”

Inamin rin ni Piolo na kahit na isa na siya sa mga Kapamilya stars na aktibo ngayon sa vlogging, nakakaramdam pa rin siya nang hiya sa tuwing gumagawa ng personal na mga video.

"Actually, they were asking for my videos for the vlog, but I'm not the type of person would do cover or shoot for myself, so pinapadala ko na lang mga photos, It’s just that na 'yun nga e siyempre pag nasa beach ka naka topless ka talaga," pagbibiro ng aktor.

"But it doesn’t mean I want to excite people or to show that I have abs, it’s just really how I am even at home."