• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaabot ng tulong ang “Magandang Buhay host” na si Melai Cantiveros at asawa nitong si Jason Francisco sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano nitong Linggo.

Melai at Jason, nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano

Nagpaabot ng tulong ang “Magandang Buhay host” na si Melai Cantiveros at asawa nitong si Jason Francisco sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano nitong Linggo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/14/2020 04:44 PM
Melai at Jason, nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano

Nagpaabot ng tulong ang Magandang Buhay host” na si Melai Cantiveros at asawa nitong si Jason Francisco sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano nitong Linggo. 

Sa litratong ipinadala sa PUSH, makikitang nagre-repake ang mag-asawa ng kahun-kahong grocery items na ipapadala sa mga pamilyang nasalanta ng nasabing pagsabog sa Batangas City. 


Matatandaang dati nang nag-donate ng relief goods si Melai para naman sa mga naging biktima ng sunod sunod na lindol sa Mindanao noong Nobyembre ng nakaraang taon.