• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging emosyonal din si Pops Fernandez nang mapag-usapan ang kaniyang relasyon sa anak ni Martin Nievera na si Santino.

Martin Nieverra sa kaniyang ex-wife Pops Fernandez: ‘She never spoke badly of me’

Naging emosyonal din si Pops Fernandez nang mapag-usapan ang kaniyang relasyon sa anak ni Martin Nievera na si Santino.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/13/2020 10:00 AM
Martin Nieverra sa kaniyang ex-wife Pops Fernandez: ‘She never spoke badly of me’
Photo credit: @popsfernandezofficial IG

Naging emosyonal ang OPM icon na si Pops Fernandez nang alalahanin ang proseso niya ng pagmu-move on noon matapos mahiwalay sa kaniyang ex-husband at ngayo'y kaibigan na si Martin Nievera.

Sa naganap na press conference para sa kanilang week-long Valentine's concert na "Two-gether Again", sinabi ni Pops na naging malaking tulong sa kaniyang pagmu-move on ang pagkikita niya at ng anak ni Martin sa ikalawa nitong relasyon, si Santino.

"Siyempre it took a long time. I don't think I'm gonna be a normal human being if [sasabihin kong] gano'n kadali di ba? Like I said, time heals all wounds. For me kasi I'm okay, I'm doing quite well, I'm blessed with my two boys. Parang nawala na talaga yung galit ko.


"Another factor is when I saw Santino he's such a sweet kid. It broke my heart, and then --I think it totally changed yung [buong] pananaw ko talaga. So I said, everything has to be okay, and it is," emosyonal na pahayag ng concert queen.

Taong 1999 nang maghiwalay sina Pops at Martin, na may dalawang anak, sina Ram at Robin. Ayon sa mga naging balita, dahilan ng naturang hiwalayan ay ang di umano relasyon nina Martin at Katrina, na di kalaunan ay nagbunga ng anak, si Santino.

Sa parehong press conference, ibinahagi ni Pops ang kamakailang Pasko na nagsama-sama sila at ng mag-ina sa pangalawang relasyon ni Martin. "I'm happy to say that for the very first time, our Christmas --not quite normal yet, but somehow we made it normal, we made it work. I wanted the boys to get along together. And I think we had a great time," kuwento ni Pops.

LOOK: Pops Fernandez, Martin Nievera pose with kids in family pic

Malaki ang pasasalamat ni Martin kay Pops dahil sa pagtanggap nito sa kaniya, kay Katrina (ang ikalawa niyang relasyon) at ng anak nitong si Santino.

"It's the whole modern family concept, it was magic. It was Christmas, that what Christmas is all about, miracles and magic. And of course all the credit goes to Pops because if she doesn't allow it, it's a whole different ball game," ani Martin.

Bukod pa dito, pinuri rin ni Martin ang maayos na pagpapalaki ni Pops sa dalawang anak mula nang maghiwalay sila.

"Credit to Pops [because] you never spoke badly of me 'Your father is a jerk' 'All men are alike', you never put me in those words. I know you didn't because I can see it in my children. They never lost respect for me. Maybe naiinggit sila sa oras ko sa palaging nasa America.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Getting ready for our Christmas ! 🎄❤️💋

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial) on

 

READ: ‘We’re not playing with our emotions’: Pops Fernandez on working again with ex-husband Martin Nievera

Aabangan sina Pops at Martin sa kanilang bagong concert series na "Two-gether Again" na magaganap sa Solaire Theater, sa February 14, 15, 17 hanggang 21.