Apl.de.ap, nagbabalik bilang coach sa ‘The Voice Teens’

Isa sa mga aabangan sa darating na “The Voice Teens” Season 2 ang pagbabalik ni apl.de.ap bilang singing coach.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/13/2020 2:04 PM
Apl.de.ap, nagbabalik bilang coach sa ‘The Voice Teens’


Photo credit: @apldeap IG

Isa sa mga aabangan sa darating na "The Voice Teens" Season 2 ang pagbabalik ni apl.de.ap bilang singing coach.

Kinumpirma ng Filipino-American singer at Black Eyed Pease member ang balita nitong Biyernes sa isang Instagram post kung saan ibinahagi nito ang kanyang excitement para sa kanyang comeback.

"Annnnnd I'm back! Had a really fun time filming this commercial with my fellow coaches [Lea Salonga, Sarah Geronimo, and Bamboo]! Really happy to be a part of [The Voice] family again. Can't wait for an exciting season with new talented voices! Let's gooo!" tugon niya.

 

 

Dating gumanap bilang singing coach si apl.de.ap sa Season 1 at 2 ng "The Voice of the Philippines" taong 2013 at 2014. Samantala, ipapalabas ang bagong season ng "The Voice Teens" itong darating na Pebrero.