• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual-Claudine Barretto movie, malabong ituloy ngayong 2020

Piolo Pascual-Claudine Barretto movie, malabong ituloy ngayong 2020

Nagpahayag rin si Piolo Pascual sa tila hindi matuloy-tuloy ka balik tambalan rin nila ng aktres na si Judy Ann Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/12/2020 2:18 PM
Piolo Pascual-Claudine Barretto movie, malabong ituloy ngayong 2020


Tamang kuwento at tamang pagkakataon ngayon ang inaantay ng aktor na si Piolo Pascual para matuloy na ang balik-tambalan nila ni Claudine Barretto sa pelikula.

Kuwento ni Piolo focus muna siya sa ibang proyekto ng ABS-CBN para sa kaniya.

“I’m so excited because it’s something new, it’s something that ABS-CBN hasn’t done and something new for me. It’s going to be a new experience, it will begin in couple of weeks from now,” tugon ng aktor sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa naganap na meet and greet with Dunkin brand ambassadors kasama sina Derek Ramsay at Dingdong Dantes.

“Meron akong mga pelikula but we are transitioning so we want to time it well specially with what we’ve done through the years and we’re celebrating 10 years of Spring Films,” aniya pa.

Kabilang sa mga proyekto na uunahin ni Piolo ang pelikula kasama si Alessandra De Rossi.

“We want to be able to time our films better but I’ve already finished two films last year, one with Brillante Mendoza and another is with Alessandra De Rossi,” sabi pa niya.

“And I’ll be doing another film with Star Cinema and there projects still lined up, but depending on the availability.”

Nagpahayag rin si Piolo sa tila hindi matuloy-tuloy ka balik tambalan rin nila ng aktres na si Judy Ann Santos.

READ: Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual

Matatandaan na inamin ni Judy Ann sa panayam noon ng PUSH na Siya ang rason kung bakit hindi matutuloy ang samahan nila sa pelikula.

“I’m always been open. You know ever since. We’re just waiting for the perfect timing, for the right project like what Juday said, right project, right story kasi it’s more than 10 years. So sana-sana magandang story, para naman hindi masayang, sana makapag-trabaho kami ulit,” aniya.

“Same thing with Clau [Claudine Barretto] we’re just waiting for the right timing, script and schedule,” pahayag pa ng aktor.

READ: Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion project tuloy na; Piolo Pascual-Judy Ann Santos project, matutuloy pa nga ba?

Kung matutuloy, ang batikan at blockbuster movie director na si Cathay Garcia-Molina sana ang tatayong direktor sa pelikula ni Piolo kasama si Claudine na huling nagsama sa pelikulang Milan taong 2004.