Dingdong Dantes, ibinahagi ang kaniyang paboritong memes

Trending sa netizen ang iba’t ibang social media memes na nakalagay ang mukha ni Dingdong Dantes

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/11/2020 12:41 PM
Dingdong Dantes, ibinahagi ang kaniyang paboritong memes


“Looking forward for more memes.”

Ito ang naging pahayag ni Dingdong Dantes sa naganap na Dunkin meet and greet kasama ang iba pang ambassadors na sina Derek Ramsay at Piolo Pascual.

Dito, naging private joke na nila Piolo, Derek, at Dingdong ang mga hit na hit social media memes at naitanong kung ang pinaka paborito niyang memes sa lahat.

“Marami! Almost lahat ang pinaka favorite ko ‘yung Dingdong Dunkest,” masayang tugon ni Dingdong.

Kuwento pa ng aktor, nagulat siya nang biglang magsimulang magsulputan sa kaniyang social media account ang mga memes mula sa netizens.

“Nangyari kasi ‘yun nagte-taping kasi kami tapos ayun na around midnight, nagdaratingan na so biglang kami nagtawanan nalang kami. Kaya sa set namin, gumagawa rin sila. Napasaya talaga kami.”

Aniya, ikinatuwa niya ang pagiging malikhain ng mga netizen sa pag gawa ng memes at naimpluwenshayan na rin pati ang kaniyang misis na si Marian Rivera.

“Gumawa na rin sila ng version niya meron na kami sa bahay, kaming mag-asawa,” sabi pa ng aktor.