Angeline Quinto, inaming nasugatan din sa Traslacion ng Poong Nazareno

Angeline Quinto, patuloy na sumasamba sa Poong Nazareno.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/11/2020 12:16 PM
Angeline Quinto, inaming nasugatan din sa Traslacion ng Poong Nazareno

Dinumog ng mga deboto ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno at isa na rito si Angeline Quinto.

Ipinaliwanag ng singer sa isang netizen na hindi siya nabigyan ng special treatment at inaming nahirapan din siya at nasugatan.

“Te, nahirapan din ako umakyat, pero mas di ko talaga keri yung pababa hahaha. Kaya umabot na sa simbahan. Wag ka gigil magagalit Mahal na Poon. Pare pareho tayo ng panata. Sabay ka sakin next year tutulungan kita,” sagot ni Angeline.


 

 

Sumagot naman ang netizen at sinabing, “Haha mamsh mas hirap kaming normal na deboto lang. Halos itulak kami ng mga Hijos na nakaalalay sayo hanggang sa loob. Sana all.”

“Hehehe diskarte lang Tol.  Ako nga puro pasa. Dumugo pa ilong ko. Kasama ko nawalan pa ng Bra. ❤️” ani Angeline.

 

 

Isa rin namang netizen ang nagsabing palagi namang nasa Quiapo ang “hinihimas niyo kung kailan madaming tao tsaka kayo makikipagbunuan.”

 

 

Dumepensa naman si Angeline at sinabing isang beses lamang sa isang taon ginugunita ang kapistahan ng Poong Nazareno.

“Sa tingin din naman namin, mas hindi gusto ng Diyos yang ginagawa mo. Kung wala kang alam sa buhay ng namamanata sa Poong Nazareno, wag ka ng magsalita ng kung ano ano. At oo alam namin araw araw ang Poon nasa Simbahan ng Quiapo, at isang beses sa isang taon lang ang kapistahan.”

 

Hindi naman ikinukubli ni Angeline na deboto na siya bago pa maging sikat na singer.