• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘My fiancée, my college sweetheart': Miko Raval, ipinakilala ang kaniyang soon-to-be wife

‘My fiancée, my college sweetheart': Miko Raval, ipinakilala ang kaniyang soon-to-be wife

Ipinaliwanag ni Miko Raval kung bakit sa Korea niya piniling mag-propose sa kaniyang long-time girlfriend na si Kaira Dimatulac.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/10/2020 11:50 AM
‘My fiancée, my college sweetheart': Miko Raval, ipinakilala ang kaniyang soon-to-be wife


Photo credit: @mikoraval IG

Proud na ipinakilala ng The Killer Bride actor na si Miko Raval ang kaniyang soon-to-be wife na si Kaira Dimatulac sa mga momshie hosts ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, January 8.

Ayon kay Miko, nagsimula ang relasyon nila ni Kaira noong parehong college pa sila sa University of the Philippines Diliman. “Exciting siya for me kasi nung college kami hindi naman namin napapag-usapan nga. Ta’s parang exciting na mag-grow together hanggang you reach that point na ikakasal na nga kayo.

“Before [ang pinag-uusapan namin] ano lang yung plans namin sa work lang. Ta’s ngayon pinag-uusapan na namin yung life after nung mga dreams namin,” kuwento ni Kaira na may pitong taon nang girlfriend ni Miko.

LOOK: Miko Raval is now engaged

Sa parehong episode ng Magandang Buhay, ikinuwento ni Miko ang naganap na proposal noong nakaraang bakasyon nila sa Korea. Ayon sa aktor, August pa lang ng 2019, bago pa ang seryeng The Killer Bride, binili na niya ang singsing.

“Leading up to the month of December, wala talaga akong plano. Tapos siguro a month before, doon ko na naplano lahat. Knowing her for seven years [alam] ko na very personal yung gusto niya, [kaya] gusto ko kaming dalawa lang talaga,” kuwento ni Miko.

“Gusto ko [sana] parang winter wonderland, so na-disappoint pa ako nung pagdating namin do’n sabi ko, ‘Ay walang snow’... Gusto ko lang naman ng white background na ano --buti na lang pagdating namin sa tuktok may snow na,” paliwanag pa ng aktor nang tanungin kung bakit Korea ang napili niyang lugar para magpo-propose.

Naka-post sa kaniyang Instagram account ang mga sweet photos nila habang nasa Wondaeri Birch Forest.