Kiray Celis, nagsalita tungkol sa kanyang bagong relasyon

Kiray Celis, inaming gusto niyang mapangasawa ang kanyang bagong boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/10/2020 11:43 AM
Kiray Celis, nagsalita tungkol sa kanyang bagong relasyon


Photo credit: @kiraycelis IG

Masaya si Kiray Celis, isa sa cast members ng pelikulang D’Ninang ng Regal Entertainment, sa bago niyang love life ngayon. Ayon mismo sa kuwento ng aktres, three years tumagal ang relasyon niya sa unang boyfriend. Naging mag-on naman daw sila ng second boyfriend niya noong second week ng December of 2019.

Grabe rin kung ipagmalaki ni Kiray ang bago niyang karelasyon ngayon.

Aniya, “Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganun niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko.

“Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa.”

Hindi ba parang napakabilis naman ng pagpasok niya ulit sa isang bagong relasyon?

“Actually hindi mo kailangang maghanap ng bago para maka-move-on pero nagulat na lang ako na bigla siyang dumating. Sa kanya ko kasi nalaman yung worth ko, eh,” reaksyon niya.

Patuloy ni Kiray, “Nung una kasi parang kapag merong ginagawa sa yung hindi maganda lagi mo lang tinatanggap kasi mahal mo yung taong gumagawa no’n sa ‘yo. Pero hindi mo napapansin na hindi mo na pala siya deserve. Tapos nauubos na pala yung respeto mo sa sarili mo. Naubos ko yung respeto ko talaga sa sarili ko.

“And siya lang yung nakapagpa-realize sa akin na parang hindi ko pala yon dapat tinatanggap at hindi ko yon nararamdaman. Dapat pala hindi ako pumapayag na natutulog ako nang sobrang bigat ng puso ko. Dapat hindi ako gumigising nang umiiyak ako. Dapat yung taongmahal ko, eh, mahal din ng parents ko – kaso lahat yon hindi,” litanya pa ni Kiray.

Kahit sandali pa lang ang relasyon ni Kiray sa non-showbiz boyfriend ay gusto ng aktres na ito ang kanyang mapangasawa.

“Oo. Kasi ako naman talaga yung type ng tao na… di ba kahit naman yung first boyfriend ko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko. Parang never naman tayong nag-dream na… gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever.

“Ayokong kasi ng paiba-iba. Ayokong naririnig yung sarili ko na, ‘Ex yan ni Kiray,’ alam mo yon, parang ang hirap kaya na mag-start ulit sa panibagong tao. Kikilalanin mo kung ano yung gusto niya, aalamin mo kung ano yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya – ang hirap. Parang bagong tao na naman, bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan.

“Ang hirap kaya ng ganun, parang from the scratch ka ulit. Parang kang baby na nagko-crawl, na natututo ulit maglakad, magsalita, parangganun. Ayoko ng ganung experience,” dire-diretsong paliwanag ni Kiray sa PUSH.

Kelan ba sila naghiwalay ng ex-BF niya?

Sagot ng dalaga, “June pa lang hindi nakami okey. Medyo struggle na talaga, pero pinipilit naming ayusin kasi nga meron kaming business together. But I just want to tell everybody na I’m no longer part of the Chicks And Fins. Umalis na po ako sa restaurant namin.”

Ang D’Ninang ay pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas mula sa direksyon ni GB Sampedro. Kasama rin sa pelikula sina McCoy De Leon, Kisses Delavin, at Kelvin Miranda.