• Home
  • Fresh Scoops
  • Rosanna Roces, umayos ang career dahil sa kanyang lesbian partner

Rosanna Roces, umayos ang career dahil sa kanyang lesbian partner

Ibinahagi ni Rosanna Roces kung paano binago ng partner niyang si Blessie Arias ang kanyang attitude pagdating sa trabaho.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2019 11:19 AM
Rosanna Roces, umayos ang career dahil sa kanyang lesbian partner


Kontento at masaya si Rosanna Roces sa kanyang buhay pag-ibig kung saan ang karelasyon niya ay si Blessie Arias, isang lesbian. Ayon sa aktres na kasama sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Pamilya Ko, apat na taon na sila ni Blessie.

Kuwento ni Osang (palayaw ng aktres), “Sa kanya kasi hindi ko na naramdaman na 'cash cow' ako, alam mo yon?

Ang partner din daw niya ang tumatayong handler niya at malaki ang utang na loob niya dito kung bakit naging matino ang takbo ng kanyang career ngayon.

“Siya ngayon kasi yung tumatayong handler ko, pero hindi puwede sa kanya na kapag may tinanguan ko hindi ko sisiputin, do’n kami mag-aaway.

“So yung ikinatino ng career ko ngayon utang ko rin sa kanya, yung pagiging nandiyan niya. At saka hindi na ako nai-stress, walang selos, walang… Basta payapa ang buhay sa mga kagaya nila,” pahayag ng award-winning actress sabay tawa nang malakas.

Nang tanungin si Osang kung alin ang mas okey na kapartner – ang lesbian ba o ang lalaki, sey niya, “Definitely yung ngayon. Kasi naman nauna naman kami kesa don sa… nauna kami.

“I was 15 nung naging kami ni Blessie. Siya talaga yung gusto kong mapangasawa noon pa kaya nga nagkaroon ng Grace (anak niya) dahil gusto naming magkaanak. So, naghanap ako ng bubuntis sa akin, pero hindi niya (Blessie) kinaya, ang feeling niya mahal ko yung tatay, so nagkahiwalay kami.

“After 27 years nagkita kami ulit, tinuluyan ko na siya para hindi na makawala,” kuwento ulit ng aktres na natatawa.

Kinuha na rin namin ang reaksyon ng aktres sa pagkakaroon ng separate CR ng mga miyembro ng LGBT.

Aniya, “Dapat… dapat. Para kasi yung mga bading na transwoman pag dinala mo sila sa CR ng lalaki mababastos talaga o baka mabugbog pa. Ito namang tomboy, hindi rin puwede.

“So, ngayon yung bakla na naka-pambabae at may nota, ayaw din naman namin na nasa CR namin kasi hygiene purposes.

“May karapatan din naman itong mga straight  na umalma talaga. Kailangan talaga merong hiwalay na CR. Pero wala namang problema sa akin personally. Pag nasa airport at may kasabay akong ganun, wala akong panghuhusga o kahit ano. Kaya lang, dahil nga pinalaki nila na ganyan, may karapatan din naman yung ibang tao sa maayos na CR.”