Pia Wurtzbach, nagningning sa New York Fashion Week

Tampok ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach bilang muse ng Pinoy fashion designer na si Albert Andrada sa New York Fashion Week (NYFW) ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/9/2019 3:41 PM
Pia Wurtzbach, nagningning sa New York Fashion Week


Photo credit: @piawurtzbach IG

Tampok ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach bilang muse ng Pinoy fashion designer na si Albert Andrada sa New York Fashion Week (NYFW) ngayong taon.

Nitong linggo ay muling rumampa ang beauty queen sa prestihiyosong event upang magbigay suporta kay Albert, na matatandaang lumikha ng kanyang emerald blue gown nang koronahan ito bilang Miss Universe taong 2015 . 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The Queen is coming!!!! #nyfw2019 #missuniverse2015 #piawurtzbach #hitechmoda

A post shared by Albert Andrada (@albertandrada) on

 

 

 

Bukod kay Pia ay nagbalik din sa runway ang kanyang kapwa beauty queen na si Janine Tugonon para sa Sherri Hill. Taong 2012 nang koronahan ang huli bilang first runner-up sa itinanghal na Miss Universe na si Olivia Culpo.

Samantala, present naman ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray, na kasamang nanood ng show kasama ang kanyang mga pageant sisters na sina Miss Teen USA 2019 Kaliegh Garris at Miss USA 2019 Cheslie Kryst. 

Nakatakdang ganapin ang New York Fashion Week mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 14.