• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Moira Dela Torre, ipinarinig ang unreleased song na ‘EDSA’

PANOORIN: Moira Dela Torre, ipinarinig ang unreleased song na ‘EDSA’

“Emosyong Dinaan Sa Awit” - Ekslusibong ipinarinig ni Moira Dela Torre ang isang kantang isinulat ng asawang si Jason Marvin Hernandez, na hindi pa nila inilalabas ngayon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/9/2019 11:07 AM
PANOORIN: Moira Dela Torre, ipinarinig ang unreleased song na ‘EDSA’


Photo credit: @moirarachelle IG

Kinanta ng 'Queen of Emotions' na si Moira Dela Torre ang ilang bahagi ng chorus ng unreleased song niya na isinulat ng asawang si Jason Marvin Hernandez. Sa pagsabak ni Moira sa 'Sing Mo Mukha Mo' Challenge ng PUSH Bets Live, ikinuwento rin niya kung paano naisulat ng asawa ang kantang 'EDSA.'

"Sinulat niya yung 'EDSA,' habang stuck siya sa EDSA. So na-stuck siya sa traffic and habang stuck siya sa traffic, dumating sa kaniya itong kantang 'to kasi naalala niya ako, and how I often feel stuck in my insecurities, in the lies in my head. And so he wrote 'EDSA,' which means, 'Emosyong Dinaan Sa Awit,'" paliwanag ni Moira.

Kinanta rin ni Moira sa naturang episode ang isang linyang maaaring abangan ng mga fans sa collaboration niya kasama ang Ben & Ben. Ayon kay Moira, may kinalaman ang kinantang linya sa kapwa Idol PH judge niyang si Vice Ganda.

"Actually may sinulat ako -- sa collaboration namin ng Ben & Ben, may isang line doon na gusto kong ilagay, kasi 'yun ang line na binigay sa akin ni Ate Vice nung first [guesting ko sa] GGV (Gandang Gabi Vice)," kuwento ni Moira.

Sa parehong challenge rin ay game na game si Moira na ibahagi ang isang lullaby na kinakanta niya para sa mga alagang aso na sina Pochi at Caramel.

Panoorin dito ang buong interview:

Aabangan ang ilang mga bagong kanta ni Moira sa kaniyang major concert na pinamagatang Braver sa The Big Dome sa September 13. Ini-reveal din ng singer na 'Braver' na rin ang magiging title ng album niya ngayong taon.

Guest artists dito ni Moira sina Daniel Padilla, Jason Marvin, Idol PH Top 6, Ben & Ben, I Belong To The Zoo, December Avenue, at Nieman.