• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee na-intimidate ba sa mga kasamahang veteran stars sa ‘Circa’?

Enchong Dee na-intimidate ba sa mga kasamahang veteran stars sa ‘Circa’?

Nakatrabaho ni Enchong Dee sina Anita Linda, Ricky Davao, Jaclyn Jose at iba pang veteran stars sa PPP film na ‘Circa.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/9/2019 9:25 AM
Enchong Dee na-intimidate ba sa mga kasamahang veteran stars sa ‘Circa’?


Ayon sa Kapamilya actor na si Enchong Dee, kahit 94 years old na si Ms. Anita Linda, na bida ng pelikulang Circa, ay hindi raw naman siya nahirapang makatrabaho ang aktres. Sa pelikula, Enchong is playing the grandson of Anita na isang filmmaker.

“I think nung nag-start kami, na-introduce naman sa akin ni Direk (Adolf Alix) na may mga lapses (on Anita Linda’s part), may mga times na kailangan mas malakas yung pananalita mo para mas maintindihan niya.

“So parang prepared na rin ako mentally na, ‘Ah okay, kapag ganito you really have to be patient, you really have to adjust. Parte naman siya ng buong trabaho, ng buong pelikula.

“Pero ang nakakatuwa kasi kay Tita Alice (real name nga aktres), kapag mahahaba yung linya klaro sa kanya, memorize niya. Yung mga maiikli minsan na batuhan don yung minsan may lapses, but it’s okay kasi magaling naman si Direk mag-edit, eh. Nabibilib ako kasi sabi ko how I wish I have that sharp memory when I reach that age,” dire-diretsong kuwento ng aktor tungkol sa senior cast ng pelikula.

Bukod sa beteranang aktres, kasama rin ni Enchong sa Circa ang iba pang equally talented and award-winning actors din like Jaclyn Jose, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa and Ricky Davao. Hindi ba siya na-intimidate na kaesena ang mga ito?

Ani Enchong, “Siguro at an early age, may nagsabi kasi sa akin at nilagay ko sa sarili ko na don’t let anyone intimidate you. Kasi pagdating sa set, your co-actors are your co-actors. Kumbaga, sa isang school classmates kayong lahat.

“After nung cut do’n mo ibibigay sa kanila lahat yung respeto, pero kapag natatrabayo kayo, we’re all co-actors. Kumbaga, they have their own medals, they have their own accolades pero at the end of the day, this is work.”

Dagdag pa ni Enhong, mas hindi siya nakakapag-perform kapag nai-intimidate siya sa kanyang co-actors.

“Pag nai-intimidate kasi ako sa isang artista do’n ako natataranta. Doon ako mas lalong hindi nakakapag-perform. Eh, ang suwerte ko kasi si Tita Gina (Alajar) naging nanay ko na sa MMK.

“Nung una, kay Tita Jaclyn (Jose), hindi naman sa natakot, eh, yung parang … kasi in your head alam mo na she’s an award-winning actress, she made history. Tapos napapansin ko sa kanila pag nagkakaroon kami ng eksena, parang binabato lang nila. Sabi ko, ‘Ah, ganun ba?’ so batuhan na lang tayo.

“So parang at least, hindi ka nag-o-over acting. Ang nakakatuwa kasi natutunan ko rin na hindi naman pala kailangang malalaki yung acting, puwede naman pala yung ganito lang, nag-uusap tayo pero nando’n lahat yung emosyon, nando’n lahat nung mensahe ng karakter,” paliwanag pa ng aktor.

Samantala, malaking factor ang naging performance niya noon sa Star Cinema movie na Sa Yo Lamang kung bakit napili siya ni Direk Adolf na mapasama sa pelikula.

“Pag may ginagawa ka namang proyekto, hindi mo naman ini-expect na, ‘Ah, dito sa eksenang ito dapat makilala ako, dito ako sisikat.’ Parang ang kailangan ko nung time na yon ang motivation ko lang na, ‘Umayos ka kasi ang gagaling ng mga artistang kasama mo.’

“So, pag nagtatrabaho po ako, yon lang, gawin ko lang yung trabaho ko nang maayos masaya na ako. Tapos jackpot na lang po kung may makakakita sa iyong mga director at may nakakapansin na mga artista,” lahad pa niya.

Palabas na ang Circa sa mga sinehan simula September 13 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Pelikulang Pilipino.