• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, Maymay Entrata, iba pang celebrities magbibigay pugay sa mga guro

Dimples Romana, Maymay Entrata, iba pang celebrities magbibigay pugay sa mga guro

Ilang bigating stars ang magsama sama upang magbigay pugay sa mga guro sa ika-12 selebrasyon ng “Gabay Guro”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/9/2019 9:19 AM
Dimples Romana, Maymay Entrata, iba pang celebrities magbibigay pugay sa mga guro


Photo credit: @dimplesromana, @darrenespanto and @maymay IG

Ilang bigating stars ang magsama sama upang magbigay pugay sa mga guro sa ika-12 selebrasyon ng “Gabay Guro”.

Tampok bilang host ang aktres na si Dimples Romana kasama ang komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola.

 

 

Samantala, kabilang naman sa star-studded lineup sina Regine Valesquez, Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Martin Nievera, Pops Fernandez, at Jaya upang bigay ng special perfomance.. Sasamahan sila ng iba pang mga kilalang celebrity tulad nina Piolo Pascual, Gabby Concepcion, Ian Veneracion, Angeline Quinto, Christian Bautista, Kyla, Jed Madela, Erik Santos at Jay-R.

Maging sina Maymay Entrata, Edward Barber, Darren Espanto, Moira de la Torre, K Brosas, Jona, Klarisse de Guzman, Jayson Dy, at “Idol Philippines” grand champion na si Zephanie Dimaranan ay makikisali rin sa selebrasyon.

Inaasahaang aabot sa bilang na 20,000 ang makikilahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa inaabangang “Gabay Guro”, isang flagship advocacy program ng PLDT-Smart Foundation para magbigay pugay sa mga guro.

Gaganapin ang event sa Mall of Asia (MoA) Arena sa Setyembre 22.