• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Did You Kiss?’: Vice Ganda asks Maris Racal and Inigo Pascual

‘Did You Kiss?’: Vice Ganda asks Maris Racal and Inigo Pascual

Na-on the spot sina Maris Racal at Inigo Pascual nang biglang tanungin sila ni Vice Ganda kung nahalikan na nila ang isa’t isa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/9/2019 9:10 AM
‘Did You Kiss?’: Vice Ganda asks Maris Racal and Inigo Pascual


Sa Gandang Gabi Vice, sinagot nina I’m Ellenya L. co-stars Inigo Pascual at Maris Racal kung ready na ba sila sa mga kissing scenes sa kanilang mga projects. 

“Feeling ko hindi ko pa po kaya kasi … hindi ko pa din po nata-try but…” ani Maris. 

Kung si Inigo kaya ang ka-eksena niya sa kissing scene, papayag kaya ang dalaga?

“Depende sa istorya po, pero kung parang pinagtitripan lang… (hindi),” sabi ni Maris. 

READ: ‘Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?’ Maris Racal asks Inigo Pascual

“Kung kakailanganin siyempre ng pelikula at character,” sagot naman ni Inigo. 

“Kasi weird naman yung ang ganda ng love story nila, tapos as an actor hindi mo ibibigay,” dagdag pa ng aktres sa sagot ni Inigo. 

Paliwanag din ni Vice na normal naman sa nagmamahalan ang mag-kiss. 

“Saka normally nagki-kiss naman talaga ang love birds,” sabi niya. 

“Did you kiss?” bigla naman tanong ni Vice sa dalawang dating magka-love team. Nagulat at hindi kaagad nakapagsalita si Maris bago nito sinabing, “Hindi, hindi po Ate Vice…”

Umiiling at natatawa rin si Inigo kaya’t naawa naman si Vice at hindi na niya pinilit sumagot pa ang dalawa. 

“Sige na nga, yung tingin mo sa akin parang sinasabi mo na Ate Vice stop,” sabi ni Vice kay Maris. 

Panoorin ang highlights ng episode ng Gandang Gabi Vice dito.