Pinoy film, wagi sa Venice film festival

Nakasungkit ng espesyal na parangal ang Filipino film na ‘Verdict’ sa ginanap na 75th Venice Film Festival sa Italy.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/8/2019 3:53 PM
Pinoy film, wagi sa Venice film festival


Photo credit: @Labiennaledivenezia Facebook

Nakasungkit ng espesyal na parangal ang Filipino film na ‘Verdict’ sa ginanap na 75th Venice Film Festival sa Italy.

Ginawaran ng Special Jury Prize ang nasabing pelikulang tumatalakay sa domestic abuse bilang nagi-isang entry mula sa Southeast Asia sa prestihiyosong festival ngayong taon.

Magkasamang binuo ni Raymund Ribay Gutierrez, na siyang nag-direk ng pelikula, at Brillante Mendoza, na tumayo naman bilang producer, ang ‘Verdict’.

Mapapanood ang ‘Verdict’ sa piling sinehan mula Setyembre 13 hanggang 19 kasabay ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino.