Katarina Rodriguez, magtutuloy-tuloy na sa showbiz?

Abala ngayon si Katarina Rodriguez sa acting workshop, Tagalog lessons at pagbabalik ng kanyang sexing katawan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/8/2019 2:57 PM
Katarina Rodriguez, magtutuloy-tuloy na sa showbiz?


Photo credit: @katarinarodri IG

Matapos ang kanyang reign, looking forward ngayon sa kanyang bagong goals si 2018 Miss World Philippines Katarina Rodriguez bilang isang aktres.

Pero bago tutukan ang pagiging isang artista, abala muna ngayon si Katarina sa paghahanda para sa pagpasa ng Miss World Philippines crown sa bagong Miss World Ph.

 

 

“I think I’m the only queen actually excited to pass my crown down, like sobrang excited ako dahil marami akong projects lined up after passing down the crown. So I’m waiting lang to pass it forward and moved on to the next thing,” sabi pa ni Katarina sa naging panayam ng PUSH sa naganap na LeGarde health and wellness expo.

Dito, ibinahagi din niya na dahil sa role, nahirapan siyang tanghingan ang nasabing proyekto.

“I’m going to be part of a teleserye, I cannot say it who or which channel yet, but it’s a really big project it’s something I couldn’t say no to,” aniya pa.

Kasabay ng pagtanggap sa role ang pagaaral din ni Katarina sa kanyang Tagalog.

“Kasi my script ‘di ba, so I study the script, I study how to deliver it, actually madali na ako mag Tagalog kung may script,” masaya niyang pahayag.

Sa nalalapit naman na pagtatapos ng kanyang reign, nagbigay payo din si Katarina sa susunod na Miss World Philippines

“Good luck and this is going to be the biggest event of your life. Prepare properly because you’re going to prepare the entire Philippines and just have fun,” pahayag pa niya.