• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman, aminadong nasasaktan sa mga panunuya tungkol sa kanyang mga pinagdaanan

JM de Guzman, aminadong nasasaktan sa mga panunuya tungkol sa kanyang mga pinagdaanan

Sensitibo pa din si JM de Guzman sa mga patama sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/8/2019 2:42 PM
JM de Guzman, aminadong nasasaktan sa mga panunuya tungkol sa kanyang mga pinagdaanan


Aminado ang magaling na aktor na si JM de Guzman na hanggang ngayon kahit pa nagbago na siya ay hindi pa rin nawawala sa kamalayan ng tao ang stigma ng pagiging “adik” niya noon.

Ayon sa aktor, nasasaktan siya kapag ibinabalik ng tao ang kanyang pinagdaanan lalo na kung meron siyang proyektong ginagawa. Bida si JM ngayon sa bagong ABS-CBN series na Pamilya Ko na magsisimula na sa September 9 bago mag-TV Patrol.

“Ngayon po kasi, pagka po wala akong teleseye, kaya ko yan. Pero pagka meron po kasing teleserye, binubuksan ko ‘to, (sabay turo sa kanyang dibdib), eh. Medyo vulnerable po ako so pagka medyo nakakarinig po ako ng… medyo sensitive po ako,” pagtatapat niya sa PUSH.

Patuloy ng aktor, “Minsan nararamdaman ko pa rin na… Alam mo yung tahi na (yung sugat) pero pag hinawakan mo parang medyo sensitive pa rin dahil don sa sugat niya.”

Hindi rin niya itinanggi na may mga pagkakataon na muntik na siyang mapaaway dahil sa panghuhusga sa kanyang pinagdaanan.

“Opo. Actually, minsan po nakakarinig ako ng pambabastos harap-harapan like pag may magpapa-picture sa akin, sasabihin, ‘Ba’t ka magpapa-picture diya, eh, adik yan!’” emosyonal niyang pahayag.

Bumabalik din daw sa gunita niya ang mga nangyari in the past kapag may naririnig siyang hindi maganda.

“Nagpa-flashback, eh, lahat ng nilaban ko, lahat ng pinagdaanan ko. Three years of rehabilitation, yung state of mind ko don na… hindi nila maintindihan, something hard to explain,” sambit pa ng aktor.

Hanggang ngayon daw ay tuluy-tuloy pa rin ang rehabilitation process ni JM.

“Ngayon po ongoing pa rin. Pag feeling ko puputok na ako, pag feeling ko babalik ako sa old ko, feeling ko hindi ko na kakayanin,” pag-amin niya.

Wala naman daw temptation na balikan niya ulit ang pagbibisyo. Ang medyo nahihirapan lang daw siya ay sa tinatawag na emotional relapse.

“Yung emotional relapse, yon yung mahirap. Kasi yon naman po talaga yung pinagsimulan, eh, kapag pumutok ka na wala ka nang pakialam, do’n na lalabas yung mga ugali mo kaya ka gagamit (ng drugs).

“Mahirap po yung struggle kasi marami pong at risk, eh—ang pamilya ko, umaasa po ako na makatulong pa rin (sa kanila) and sa future family na gusto ko sanang mabuo. Ang misyon ko kasi is hindi iparanas sa kanila yung naranasan ko. They don’t deserve to experience what I’ve experienced,” huling pahayag ng aktor sa PUSH.