• Home
  • Fresh Scoops
  • #Ginalingan: Sue Ramirez at Javi Benitez, ikinuwento ang kanilang intimate scenes sa bagong pagbibidahang action movie

#Ginalingan: Sue Ramirez at Javi Benitez, ikinuwento ang kanilang intimate scenes sa bagong pagbibidahang action movie

‘Fabulous’ at ‘Glamorous’ kung ilalarawan ni Sue Ramirez at Javi Benitez ang kanilang kissing scenes para sa aabangang action movie na ‘Kid Alpha One.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/7/2019 1:16 PM
#Ginalingan: Sue Ramirez at Javi Benitez, ikinuwento ang kanilang intimate scenes sa bagong pagbibidahang action movie


Photo credit: @sueannadoodles and @javibenitezzz

Bilang isang mainsteam action ang genre ng bagong pelikula nila Sue Ramirez at Javi Benitez, sinabi ng Kid Alpha One director na si Richard Somes, na talagang makakasama ang ilang intimate at kissing scenes ng dalawang bida.

"I could really say na mayroon silang this beautiful intimate scene. Very intimate but it is very well made [and] shot and I think Sue nailed it," papuri ni Direk kay Sue na agad na binigyang reaksyon ng aktres ng "Hashtag, ginalingan."

"Yung perspective ko as director when shooting a love scene, I always look at the woman na dapat siya ang in control. And I think Sue, she's kind of in control here," pagpapatuloy ni Direk Somes.

Bukod sa pinaka-unang pelikulang pagbibidahan, ito rin ang unang beses na magkakapareha ni Javi Benitez si Sue Ramirez.

"This is my first work, so with the kissing scene medyo kinabahan pero she made it easy for me," sagot ni Javi sa press nang tanungin siya sa naganap na set visit nitong Martes, September 3.

May posibilidad bang mapunta sa totohanan ang tambalan nila? "I have so much respect for Sue, as a colleague and as a friend. I think its important for her to take time and self-love. Ayun muna, I cherish our friendship," sagot ni Javi.

READ: Sue Ramirez, sa pagbibidahang action movie: ‘Another milestone to my career’

READ ALSO: ‘They all do their stunts’: ‘Kid Alpha One’ director Richard Somes hanga kina Javi Benitez at Sue Ramirez

Paglilinaw ni Sue, purong propesyonal naman ang lahat para sa kaniya ang ginagawa sa pelikula. "We're taken care of kami sa mga eksena. You won't look at it as malaswa, bastos, it's not going to be like that. It's a very beautiful scene," paliwanag ni Sue.

Nang tanungin ang dalawa kung paano naman nila ilalarawan ang kissing scene nila dito sa pelikula, "Fabulous" at "Glamorous" ang natatawa nilang binanggit.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sino kaya mas gusto ni Kaia katabi matulog, ako o si @sueannadoodles ? 🤩

A post shared by Javi Benitez (@javibenitezzz) on

 

READ: Sue Ramirez explains breakup with Joao Constancia: ‘Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko.’

Bukod sa Cuddle Weather na ipapalabas ngayon sa Pista Ng Pelikulang Pilipino, ang Kid Alpha One ang pelikulang aabangan kay Sue. Mula sa pagganap bilang sex worker, isang beterinaryong aktibo sa pakikipaglaban ang role ng aktres.