• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Moira Dela Torre sa mga natatanggap na bashing ngayon: ‘Nirereplayan ko na lang ng lyrics ko’

EXCLUSIVE: Moira Dela Torre sa mga natatanggap na bashing ngayon: ‘Nirereplayan ko na lang ng lyrics ko’

Naging bukas ang Queen of Emotions Moira Dela Torre na pag-usapan muli ang pinagdaanang depression, at kung paano nakatulong sa kaniya ang ngayong asawa na si Jason Marvin Hernandez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/7/2019 1:25 PM
EXCLUSIVE: Moira Dela Torre sa mga natatanggap na bashing ngayon: ‘Nirereplayan ko na lang ng lyrics ko’


Courtesy: Cornerstone Entertainment

Inspiring ang naging guesting ni Moira Dela Torre sa episode ng  nitong Miyerkules, September 4, matapos maging bukas na pag-usapan muli ang pinagdaanang depresyon.

Binalikan ni Moira ang hindi magandang karanasan noon mula sa mga dating naka-relasyon na ayon sa kaniya ay nagdulot sa kaniya ng depresyon o anxiety. Dito ikinuwento niya rin ang nalaman niyang tunay na dahilan ng kaniyang kondisyon.

"Akala ko doon lang sa failed boyfriends ko na were unfaithful to me at one point at doon ako na-trauma. Yun pala lumabas lang siya noong time na yon. And yung root pala noon ay nung naghiwalay yung parents ko, nawala yung security and stability na dapat nakuha ko nung bata pa ako," kuwento ni Moira.

Inalala rin ni Moira ang kamakailang sitwasyon kung saan ay nakatanggap siya ng matinding pangba-bash sa social media at pangangatyaw sa kaniyang katawan.

"At one point naging unstable ako, na feeling ko lahat was out to get me. And my anxiety ako na lahat is ganging up on me. Especially nung nag-start yung bashing. Parang God ano bang nangyayari, alam ko na mali yung thought na everyone is out to get me, pero pag makikita mo yung mga bashers at that time sobrang, 'Ano bang ginawa kong mali?'" pagpapatuloy ng “Malaya” singer.

"Eventually Jason (Hernandez) started filling up the questions in my head. Ginamit talaga siya ni God to really battle the lies in my head. And then now, pinakita niya sa akin na we all have to give chance to others, we have to give the others the benefit of the doubt," dagdag ni Moira.

Nitong January 14 nang ikasal sina Moira at Jason. Tinuturing ng singer na 'best season of her life' ang pagiging maybahay, o asawa ng kaniyang partner ngayon.

WATCH: Moira Dela Torre makes husband cry on their wedding day

WATCH: Moira Dela Torre shares first kiss with husband Jason Marvin

"It's not the easiest, it's definitely the hardest, most difficult season of my life... But it is the most rewarding and I'm very happy that I got to go through all these storms with someone next to me," pahayag ni Moira.

Sa parehong interview din, ibinahagi ni Moira kung paano siya nagre-react ngayon sa mga natatanggap na bashing online.

"Before kapag may nakikita akong bashing, sobrang naapektuhan ako. [Pero] ngayon, nirereplayan ko na lang ng lyrics ng kanta ko. Or minsan, parang pinagpe-pray ko na lang baka may pinagdadaanan ‘to, may emptiness itong nararamdaman," paliwanag ni Moira.

READ: ‘It hurts’: Moira Dela Torre speaks up for the first time after getting bashed for being chosen as ’Idol’ judge

Panoorin ang buong interview dito:

Nagbabalik concert stage si Moira Dela Torre, na may pamagat na Braver. Magaganap ito sa Big Dome sa September 13.