Bahay ni Ai-Ai delas Alas, nalooban

Nanakawan ng gamit si Ai-Ai delas Alas.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/7/2019 1:40 PM
Bahay ni Ai-Ai delas Alas, nalooban


Photo credit: @msaiaidelasalas IG

Malaki ang pasasalamat ni Ai-Ai delas Alas dahil walang masamang nangyari sa kanya at sa kanyang asawang si Gerald Sibayan nang malooban ang kanilang bahay.

Sa Instagram ay ikinuwento ng aktres na nakapasok ang magnanakaw sa kanilang bahay habang sila’y natutulog at natangay ang kanyang bag sa kwarto.

Tanghali na umano nang mapansin niyang nawala na ang kanyang bag at nakita na lamang ito sa tagong parte ng kanilang kalsada.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayun araw na ito .. kagabi na nakawan kami maliit lang pero ang stressful nakapasok sya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko .. tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil mag babayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house .. and nakita ko nalang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong kotse na tagong tago ..ipinagpapasalamat ko din na walang nasaktan samen ni gerald. Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. magingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN .. 😞 #bevigilant #ingatpadinkahitnasasubdivisionkanakatira

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

 

“Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. mag-ingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN,” babala ni Ai-Ai.

Sinamahan niya rin ito ng hashtags na “Be Vigilant” at “Mag-ingat pa din kahit na sa subdivision ka nakatira.”