• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards handa nang magkaroon ng girlfriend: ‘Parang ngayon po is the perfect time’

Alden Richards handa nang magkaroon ng girlfriend: ‘Parang ngayon po is the perfect time’

Meron na daw nakikitang potential girlfriend si Alden Richards.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/7/2019 12:08 PM
Alden Richards handa nang magkaroon ng girlfriend: ‘Parang ngayon po is the perfect time’


Photo credit: @aldenrichards02 IG

Ayon kay Alden Richards ay posibleng magkaroon na raw siya ng panahon ngayon para pagtuunan naman ang kanyang personal na buhay at magkaroon na ng love life.

“Naisip ko po magkakapanahon na tayo diyan ngayon, malapit na,” wika pa niya.

Patuloy ng aktor, “Parang ito na po yung time na yon kasi ngayon naka-establish na po ako ng medyo okey na foundation and sources para maging solid yung future ng family ko because of the businesses that I’ve been with. Parang ngayon po is the perfect time naman para sa sarili ko.”

Hindi rin itinanggi ng kapareha ni Kathryn Bernardo sa highes grossing Filipino film of all time na Hello, Love, Goodbye na meron na siyang nakikitang girl na puwedeng maging girlfriend.

“Ngayon po kasi, may ina-eye na ako. Pero tingnan natin,” matipid niyang reaksyon.

Nitong mga huling araw ay marami ang nakapansin sa palaging pag-like ni Alden sa mga posts ni 2018 Miss Universe Catriona Gray. Binigyan tuloy ng kahulugan ng marami ang tungkol dito.

“Miss Universe natin naman siya and what’s not to like, siyempre Miss Universe. And I heard she’s a very good person so I’m looking forward to meeting her,” nakangiting sabi pa ni Alden.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Alden sa kanyang career at ilang businesses ay kapuri-puri pa rin ang pagiging humble at down to earth ng binata. Dahil daw ito sa kanyang faith sa Diyos.

“Kasi yung faith ko po, it keeps my sanity. ‘Yung faith ko po keeps me grounded. Na at the end of the day, kapag wala na ‘yung fame, wala na ‘yung pera, wala na ‘yung kasikatan mo, hiyawan ng tao sa ‘yo, ‘yung pagmamahal ng Diyos, hindi magbabago, eh.

“Kaya ganun na lang po ako ka-faithful. All the more that I get this recognition, itong mga bonus sa ginagawa ko, mas lalo ko pong hinahawakan yung kamay ng Diyos.

“Siya po yung nagbabalik sa akin na, ‘Ops, teka, baka nakakalimutan mo na ikaw pa rin ‘tong taong ‘to.’ So yon po yung… ando’n po yung sanity ko, sa faith ko, kaya lagi po akong nagdadasal,” pahayag pa niya.

Samantala, katulad ng ibang artista, nakaranas din noon ng maraming rejections si Alden. Ano ba ang mga natutunan niya dito?

“Nagpapasalamat po ako sa kanila kasi kung hindi naman din po dahil sa kanila, hindi po ako magiging ganito kalakas at hindi po ako magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay na sobrang laki ng risk at stake.

“It goes to show na after doing these things by myself mas lumakas po yung confidence ko po to make decisions and jump in to decisions na kahit po hindi ako sigurado sa outcome, magsisisi po ako kung hindi ko siya nagawa,” huling pahayag ni Alden sa PUSH.