• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda to Senator Sotto’s SOGIE bill statement: ‘Joke po ba ito?’

Vice Ganda to Senator Sotto’s SOGIE bill statement: ‘Joke po ba ito?’

Vice Ganda reacts to Sen. Tito Sotto’s latest statement about the SOGIE bill.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/6/2019 1:08 PM
Vice Ganda to Senator Sotto’s SOGIE bill statement: ‘Joke po ba ito?’


Photo credit: @praybeytbenjamin IG and www.senate.gov.ph

Mainit na usap-usapan ngayon ang pagpasa ng SOGIE (sexual orientation and gender identity or expression) Bill at nagbigay mensahe naman si Vice Ganda sa naging pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa isyu.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights,” ani Sotto.

Sa isang mahabang Instagram post ay inihayag ni Vice ang kanyang pagtutol sa naturang statement ng senador at sinabing naniniwala siyang hindi sukatan ng pagkababae ang pagkakaroon lamang ng obaryo at matres o ang kakayahang magluwal ng isang bata.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak? E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE?

“At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila?” ani ng It’s Showtime host.

Para sa kanya, mababaw na dahilan ang pagbabase sa kakayahang magka-anak upang matawag na ‘babae.’

“Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.”

Sa huli, sinabi ni Vice, na isang advocate ng LGBT+ community na “Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero I believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”