• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez, sa pagbibidahang action movie: ‘Another milestone to my career’

Sue Ramirez, sa pagbibidahang action movie: ‘Another milestone to my career’

Matapos ang pagganap bilang sex worker, isang bago at kakaibang pagganap muli ang gagwain ni Sue Ramirez para sa action movie na ‘Kid Alpha One’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/6/2019 1:28 PM
Sue Ramirez, sa pagbibidahang action movie: ‘Another milestone to my career’


Dream come true para kay Sue Ramirez ang bumida sa isang action movie dahil ayon sa kaniya, isa ito sa mga pangarap niyang proyekto noon pa.

"Sobrang exciting, pangarap ko to dati pa na mag-action," pahayag ni Sue sa press sa naganap na set visit ng pelikulang Kid Alpha One sa isang rainforest camp sa Tanay, Rizal.

"I think it's another milestone to my career to actually do something that I've been wanting to do for a long time," pagpapatuloy ng aktres.

Sa direksiyon ni Richard Somes, gaganap bilang love interest ng karakter ni Javi Benitez si Sue Ramirez. Ayon sa dalawa, ito ang unang beses na magkakasama sila sa isang proyekto.

"I have so much respect for her as an artist tsaka as a person. Siyempre before meeting her may mga nagsasabi na wala siyang arte very professional, and true enough sa set ang dali niyang ka-work," sagot ni Javi nang tinanong kung bakit 'first choice' niya si Sue na gumanap bilang kapareha niya.

Ito ang sumunod na pelikula ni Sue, matapos gumanap bilang sex worker sa Cuddle Weather.

Bukod sa dalawa, kasama rin sa cast members sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Carla Humphries, at Ian Ignacio. Sa ngayon, wala pang date kung kailan ilalabas ang Kid Alpha One.