• Home
  • Fresh Scoops
  • Philippines’ premiere wedding band 3rd Avenue stages first major concert

Philippines’ premiere wedding band 3rd Avenue stages first major concert

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/6/2019 11:13 AM
Philippines’ premiere wedding band 3rd Avenue stages first major concert


Fifteen years na sa wedding industry ang Philippines’ premiere wedding band na 3rd Avenue. Nagkaroon na rin sila ng tatlong albums noon pero mas pinili muna nilang mag-focus sa pagkanta sa mga kasalan kesa ituloy ang kanilang journey sa music industry.

Kung kani-kaninong weddings na ang nakantahan ng 3rd Avenue. Sila ang wedding band sa kasal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, Heart Evangelista at Chiz Escudero, Rufa Mae Quinto, Alfred Vargas at marami pang iba.

“Actually, nando’n pa rin siya, yung pangarap naming mapunta sa mainstream, kasi parang somehow we’ve established naman na yung name namin sa wedding industry, so parang we want to, kumbaga, go behind it na. Kaya lang, we just embrace the wedding industry kasi it embraced us, eh,” wika ni Paolo Ledesma, isa sa vocalist ng 3rd Avenue.

Sa website na Wedding Vows ay nasa number one sa listahan ang 3rd Avenue bilang pinaka-in demand at sikat na wedding band sa Pilipinas.

“Ang goals talaga ng 3rd Avenue sa weddings is we want to make each performance a concert experience. Kasi nga, we want to veer away with the usual na kakanta lang, walang rapport, we treat it as a musical experience talaga for the guest.

“Sila naman po ang nagsabi no’n. Kami naman, we just embrace it. Do’n sa kanilang Top 10 kami yung No. 1,” pagmamalaki pa ng grupo.

Bilang selebrasyon ng kanilang 15th year sa music industry ay magkakaroon ng first major concert ang banda titled 3rd Avenue’s 3XV. Gaganapin ito sa Music Museum on September 26.

Malaking desisyon para sa banda ang magkaroon ng first major concert dahil mas sanay sila bilang back-up bands kesa sila ang nasa frontline.

“This is the first. We’ve done a lot na kami yung band. Kasi we are the band of Morissette (Amon), Jessica (Sanchez) and Jake (Zyrus). It has been a dream ever since, kaya lang, siyempre, hindi naman kami rin mainstream talaga so merong mga hesitations.

“Takot kami to stage our own concert. So feeling namin it’s about time na mag-stage kami ng sarili talaga naming concert para ma-fulfill naman yung pangarap din namin and tamang-tama kasi we are celebrating din our 15th year,” pahayag pa ni Paolo.

Ano ba ang dapat i-expect ng audience sa kanilang concert? More of wedding songs di ba?

Sagot ni Paolo, “Yung concert is going to be a musical journey. We will take you from weddings hanggang don sa mga songs na hindi namin nakakanta sa weddings. So, siyempre, sa weddings tayo magsisimula, pero as it progresses, magagawa rin namin yung iba naming hindi nagagawa.”

Special guests ng 3rd Avenue sa concert sina Morissette Amon at Jake Zyrus.

The group is composed of Paolo Ledesma (vocalist), Beng Gatmaitan (drummer), Adonis Tabanda (bassist/musical director), Lester Cerda (saxophonist), Joy Reyes (vocalist) Smith Javier (vocalist), Ryan Girado (keyboardist), Gino Madrid (guitarist), Miguel Nuñez (keyboardist), Anthony Dio (drummer), Joshua Royeca (bassist), Karen Bingco (vocalist), Muriel Ting (vocalist), and Alchris Ramirez (vocalist).

3rd Avenue’s 3XV concert is presented by TalentWorld and RankOne Productions. For tickets, please call Music Museum at 7210635 or 7216726) or visit www.ticketworld.com.ph