• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovely Abella, tumaas ang TF dahil sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Lovely Abella, tumaas ang TF dahil sa ‘Hello, Love, Goodbye’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/6/2019 11:51 AM
Lovely Abella, tumaas ang TF dahil sa ‘Hello, Love, Goodbye’


Isa ang TV host na si Lovely Abella sa mga bituin na nagningning sa Hello, Love, Goodbye.

READ: ‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time

Sa naganap na thanksgiving party para sa tagumpay ng Star Cinema movie, hindi napigilan ni Lovely na maging emosyonal matapos ang kanyang pinagdaanan sa unang pelikula.

“Maraming maraming salamat po sa opportunity na ibinigay ninyo sa akin. Sa totoo lang po, ang laki nang binago ng buhay ko dahil sa Hello, Love, Goodbye,” emosyonal na pahayag ni Lovely.

Dito, inamin din ng TV host turned comedy star na tumaas na ang kanyang talent fee dahil sa naging papel sa pelikula.

“Nadagdagan na po ng 1500 ang talent fee ko sa kabila, wala pong biro, ‘yung 1500 po na ‘yun malaking bagay po ‘yun sa akin,” masaya niyang kuwento.

Dito, ipinaliwanag din niya ang suot na puting belt bag na kanyang suot ng gabing iyon.

“Kaya po ako may belt bag, kasi naikuwento po nila na 'pag sa Star Cinema daw po at bongga daw po talaga, may pa-cheke po para daw po direcho na dito. Wala na pong bag bag ipapa direcho ko na po dito pwede po ‘yung mag-aabot, direcho na po dito,” masayang sabi ni Lovely.

Pasasalamat din ang ibinalik ni Lovely para sa tiwala ng lahat ng bumubuo ng kanilang pelikula.

“Sir, Ma’am, before po, talent po ako ng Star Cinema sila po ang laging kumokontak sa akin, nagsimula po ako sa 250 PHP po ngayon po kada shooting ko po 250,000 na po!” pagbibirong pahayag ni Lovely.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanood ang Hello, Love, Goodbye na pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.