• Home
  • Fresh Scoops
  • Kyle Echarri, napa-oo si Francine Diaz bilang date sa 2019 ABS-CBN Ball

Kyle Echarri, napa-oo si Francine Diaz bilang date sa 2019 ABS-CBN Ball

Magkasamang dadalo ang hit tandem na sina Francine Diaz at Kyle Echarri sa inaabangang ABS-CBN Ball ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/6/2019 5:03 PM
Kyle Echarri, napa-oo si Francine Diaz bilang date sa 2019 ABS-CBN Ball


Photo credit: @francinesdiaz IG

Piolo Pascual celebratMagkasamang dadalo ang hit tandem na sina Francine Diaz at Kyle Echarri sa inaabangang ABS-CBN Ball ngayong taon.

Kinumpirma ito ng aktres sa kanyang Instagram post nitong Huwebes kung saan ibinahagi niya na hinarana siya ng aktor upang ayain bilang date sa nasabing ball.

 

 

“Thank you for serenading me, I never thought someone would do that for me but you did. You make me happy. P.S We'll make it together,” ani Francine sa caption.

Sa naganap na digital conference para sa launch ng kanyang collaborative single kasama ang Singaporean singer na si Haven nitong Biyernes, ikinuwento ni Kyle kung paano niya sinorpresa si Francine sa bahay nito sa Cavite.  

Aniya, “What I did po was drove all the way from [Quezon City] to Cavite, doon sa bahay po nila. Kasi siyempre kailangan ko po munang tanungin si Tita and si Tito (parents ni Francine) if I can ask Francine to the ball. Actually, nung dumating po kami, lahat sila nakatulog na. Mga 10:30 p.m. [na kami] nakarating doon kasi sobrang traffic sa SCTEX. Pagdating po namin, tinawagan namin ‘yung ate niya para gisingin si tita tsaka si tito [para makapagpa-alam]."

 

 

Ayon kay Kyle, maging ang ina ni Francine ay “niligawan” niya sa pamamagitan ng pagbigay ng bulaklak at chocolates para mapapayag ito.

“[Nung] nag-oo silang dalawa, ginising po si Francine. Actually, akala po ni Francine, call time na para mag-taping. Pero pagbukas niya po ng pinto, hindi niya po akalain na ako ‘yun. Then I sang a song that means a lot to me and her. Parang theme song po naming dalawa. Make It With You by Bread. It’s an ‘80s song. It’s a song that I dedicate to her and she dedicates to me. It’s a very special song of ours. So, nag-oo naman po siya, and magkasama po kami sa ABS-CBN Ball,” dagdag niya.

Sa tanong kung bakit pinili niyang magpropose gamit ang T-shirt, sagot ng singer-actor: “Kasi lahat sila naka-board. Laging may board. Ako, at least, now that I have the shirt, it will always be my first memory of the time that I asked her to the ball. Kasi I’m always going to keep that with me hanggang sa pagtanda ko. Kasi it’s my first time ever doing that and it’s really special to me. It’s a really special moment.”

Samantala, sinabi ni Kyle na wala pa siyang idea kung ano ang susuotin ni Francine para sa 2019 ABS-CBN Ball.

“Kasi gusto ko pong ma-surprise. Alam ko naman, maganda talaga ‘yung kakalabasan kasi it’s Francine,” aniya.

“Alam mo si Francine po kasi, she’s an old soul,” patuloy niya. “Kaya gusto niya ‘yung mga gano’n na pupunta sa Intramuros… Gusto niya ‘yung mga ganyang damit. Filipiniana po talaga. So I’m really excited to see how beautiful she will be at the Ball.”

Mapapanood ang proposal ni Kyle dito:

Bukod kina Francine at Kyle ay aasahan din ang Kadenang Ginto co-star nilang sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin bilang mag-date sa ABS-CBN Ball, na gaganapin sa darating na Setyembre 14.es Dunkin’ Coffee Day.