• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin shares her Do’s and Don’t’s when taking an exam

Kisses Delavin shares her Do’s and Don’t’s when taking an exam

Kisses Delavin, may estudyante tips kung paano mag-review para sa isang exam.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/6/2019 1:49 PM
Kisses Delavin shares her Do’s and Don’t’s when taking an exam


Sa Tonight with Boy Abunda, nagbigay ng Do’s and Don’ts ang actress at student na sis Kisses Delavin kung paano mag-review para sa isang exam.

READ: Kisses Delavin goes back to school

Accountancy student ngayon si Kisses sa De La Salle University at ito ang mga tips niya base sa kanyang karanasan bilang isang estudyante. “Do sleep early,” ani Kisses. Natutulog diumano si Kisses ng 9 to 10 pm at gumigising naman siya ng 4 am para mag-review.

“Don’t drink too much coffee,” isa pa sa mga tips ni Kisses. “Kasi I love coffee, it fuels me. Pero merong one time na nag-exam ako nakainom ako ng too much coffee. Parang nanginginig yung kamay ko,” kwento ng dalaga.

“Do bring all the necessary things for the exam,” dagdag pa ng aktres. Dalhin daw ang mga gamit katulad ng correction tape at erasable pencil dahil mas mabuti dawn na handa para sa exam.

“Do study after class kahit 15 minutes para maalala mo yung lahat na pinag-aralan mo and you don’t cram,” sabi ni Kisses.