• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Wilbert Ross, sa mga tampuhan sa kapwa Hashtags members: ‘Hindi maiiwasan ‘yon’

EXCLUSIVE: Wilbert Ross, sa mga tampuhan sa kapwa Hashtags members: ‘Hindi maiiwasan ‘yon’

Aminado ang isa sa mga Hashtags members na si Wilbert Ross na nagkaroon siya ng ilang katampuhan sa mga kapwa miyembro ng boy group.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/6/2019 1:24 PM
EXCLUSIVE: Wilbert Ross, sa mga tampuhan sa kapwa Hashtags members: ‘Hindi maiiwasan ‘yon’


Photo credit: @hashtag_wilbert IG

Para sa isa sa mga Kilig Ambassadors ng It's Showtime na si Wilbert Ross, hindi maiiwasan ang mga tampuhan at hindi pagkakaunawan sa loob ng isang grupo, tulad ng kinabibilangang boy group na Hashtags. Pag-amin ni Wilbert, maraming beses na rin na may tampuhan siya sa mga kapwa niya miyembro ng boy group.

"Hindi maiiwasan 'yon, lalo sa grupo. Hindi naman kasi kayo pare-parehas ng ugali. May mga ugali na salungat ng ugali ng isa. So kapag napang-abot yung mga hindi gusto, 'yun magkakasamaan ng loob. Pero at the end, nagkakaayos din 'yon," pahayag ni Wilbert interview ng PUSH.

READ: Ryle sa nakaalitang Hashtags member: ‘Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan’

Inamin din ng aktor at performer na mayroon siyang nakatampuhan sa mga ka-grupo. Hindi man binanggit ang pangalan, sinabi ni Wilbert na hindi siya nagtatanim ng galit sa mga ka-miyembro.

"Ako kasi forgiving kasi ako na tao e. Kahit na may ginawa kang masama sa akin, tapos one day bigla kang naging mabait ka sakin at pinapakitaan mo ako ng [mabuting] bagay. Makakalimutan ko lahat ng ginawa mo sa aking negative," paliwanag ni Wilbert.

READ: Hashtags member Wilbert Ross, to release original songs under Star Music

Samantala, sa parehong interview din ay ibinahagi ni Wilbert na single at 'open' siya sa pakikipag-date ngayon.

 

 

Isa sa mga cast members si Wilbert sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya, ngayon Sabado, September 7, na pagbibidahan nila Sharlene San Pedro, at Meryll Soriano.