Sylvia Sanchez: ‘Iba pa rin ang pagmamahal ng magulang’

“Dapat ang key niyo sa buhay niyo para maging successful, para maging okay ang buhay, respeto at pagmamahal sa magulang,” ani Pamilya Ko star na si Sylvia Sanchez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/5/2019 6:28 PM
Sylvia Sanchez: ‘Iba pa rin ang pagmamahal ng magulang’


Photo credit: Sylvia Sanchez on Facebook

Bilang ina, pagmamahal sa magulang ang leksyong nais ibahagi ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez para sa mga kabataan.

Ayon ito sa Facebook post ng Pamilya Ko star kung saan nagbahagi siya ng retrato kasama ang inang si Rosyline Campo at sinabing: “Dapat ang key niyo sa buhay niyo para maging successful, para maging okay ang buhay, respeto at pagmamahal sa magulang.”

“Kasi ako, naniniwala ako, ’pag bastos ka sa magulang mo, ’pag 'di mo mahal ang mga magulang mo, ang hirap-hirap umangat,” patuloy niya. “Kaya igalang, respetuhin, at mahalin ang mga magulang niyo hangga’t nandyaan pa. Lagi niyong tatandaan na kahit mag-asawa na kayo, tumanda na kayo, may mga anak na kayo, iba pa rin. Iba pa rin ang magulang.”

Kuha ang statement sa kanyang interview para sa StarStudio.ph kamakailan, kung saan nagkwento si Sylvia tungkol sa kanyang pagiging ina sa likod at harap ng kamera. Mababasa ang buong report dito: 

EXCLUSIVE: Sylvia Sanchez is the ultimate nanay on and off-screen